Whee. Happy birthday to Ms. Andrea Loren Sy. You're now a lady. Belated happy birthday to my Mame Gumbee.
The celebration was oh-my-god-ang-daming-food-paano-natin-uubusin-to! Grabe.
Start muna tayo sa pumasok ako ng tama sa oras. Medyo mabilis magturo si Mr. Sumalapao. Wala pang 2 oras tapos niya na ang topic. Tapos binigyan niya kani ng 2 options. Gawin ang exercises at bumalik ng 1.30 or gawin ang exercises magpasa ng 1.30 at umuwi na. Siyempre pinili namin 'yong pangalawa! Yey. May time na akong magpunta sa triple celebration nina Andrea, Mami Gumbee and Lorena. :D
Dali dali akong pumunta sa Gumbo's only to find out na medyo late na ako at medyo paubos na ang food sa table namin! Whoo. Ang sarap ng food! 'yong sea food lang ang 'di ko natikman. Pero lahat! WAW. Grabe. 'yong feeling na busog ka na pero andami pang nakahain. Grabe. Tapos binigay ko na rin ang gifts namin. 'yong kay Gumbee, simpleng keychain lang kasi alam kong marami na siyang gamit at kahit maliit na bagay pinapahalagahan niya. Naks. Kay Andrea perfume kasi DALAGA na siya. Ayii. Naks. Sana natuwa kayo. :)
Ang saya saya. Ang sarap din ng dessert. Naka2 slice ako ng both. Tapos 'yong hats nila ang cool. Hehe. Nakakatuwa! Hehe. Umalis din ako kaagad at hindi na nakapagdance revo kasi ang sakit na ng tiyan ko at gusto kong makita sina Kat and Steph.
Hehe. At hulaan niyo? Close na nila si Mr. Bello! Siguro naiirita 'yon sa amin. Ang kukulit kasi namin. Tapos ang jeep at si Tita ay nasa labas kaya naisipan naming sumakay sa jeep papuntang rob. Nakalimutan pa nga ni Ate Honey 'yong bayad e. Hehe. Pero ok na. Si Nikko kasi. Haha.
Nagkaalaman na kami kanina. Whoo. Tas nagsibilihan sila ng gift. Umuwi na sila at natira kami ni Tita sa Rob. Walang hiyang Handy Man 'yan! Binagsakan si Tita ng 4 na box ng cabinet ata. Walang hiya. Tsk. Hindi nag-iingat ang staff nila. Wawa naman si Tita. Ika nga niya, parang sa mga comedy movies daw siya kabilang, tipong binabagsakan ng mga kahon at lahat ng tao'y magsisipagtawanan. Tsk.
Umuwi rin kami. Gusto kong manood ng Bank Job KASO nagPC muna ako. Pinagalitan. Pinatay ang PC at nagmukmok sa taas ang hanggang makatulog. 10pm na nagising.
Ngayo'y nagiimport ng music mula sa lumang CD to iPod. Miss na miss ko na ang Green Day! Isama na rin ang Yellowcard.
O siya. Happy birthday muli kay Andrea, Gumbee and Lorena. Sana napasaya ko kayo ngayong birthday niyo. 18 na kayo! Pero hindi purkit 18 na kayo ililimit niyo na ang sarili niyo sa mga gawaing pangmatanda. Have fun always. Dito pa naman me. Baby pa. :) Thank you, you, you so much. :D
Babay! :D