
O siya. Alam na naman yata ng lahat.
Kwatro ako. Ayaw ni Villarante ng singko. Mas pangit daw.
O siya. O siya.
Kailangang pumayag si Dr. Nicolas na icoreq ko ang Biochem14 and Chem31. Yeah. Sana. Pumayag na halos lahat ng gurong nakita ko. Sana talaga pumayag siya. Hindi ako madedelay kapag ganun. Kukuha ako ng Chem27 kapag hindi ako pinayagan.
Sana makapagaddslot ako sa Math101 at sa klase ni Mrs. Del Rosario. Ayii. Sana pumasa kami ni Aika. At pumayag si Ate Karina na turuan ako, 'di ba? Yihee. Haha. 'yong pustahan pwede ibaba? Wala pala akong ganun kalaking pera. :(
O siya. O siya.
Siyempre hindi ko maiwasang malungkot. Grabe naman kasi. Pero masaya ako sa ilang bagay. Makakapagsolo na rin ako. Nahihirapan na rin kasi ako sa pressure ng matatalino kong blockmates. Hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila. Inaamin kong sumaya rin ako ng kaunti. Mas kaya ko ngayon. Nahihirapan kasi ako dahil minsan kahit magrereview na, hindi pa rin ako makapagreview dahil sa maingay, nag-uusap usap, tila alam na ang lahat ng itetest pero hindi pa nagrereview. Hay. Sa wakas. Wala ng ganyan. Payapa na ang utak ko. Mas kaya ko na ngayon. Whee. Basta. Kung alam niyo lang. Naging masaya talaga ako sa mga nangyari. Malungkot dahil kailangan ulitin ngunit masaya na rin dahil nga parang makakalaya na ako sa tanikalang nakabalot sa aking pagkatao. Naks. Basta. Nevermind.
Ayun. Hehe. Basta. Gusto ko talagang magBehSci. Ang ganda ng course na iyon. O magaling lang si Ate Kyra magdescribe? Parang bagay ako talaga doon. Pero pipiliin ko pa rin ang Biochem. Sayang naman lahat ng pinaghihirapan ko 'di ba? Hay.
Ang saya saya kanina sa OUR. Parang nawala lahat ng problema ko. Ang sarap kausap ni Jamie at ni Ate Karina. Hehe. Politics, religion, Aika suggested food pero nagutom siya haha, Books, Movies etc. Haha. May grupo na nga kami e! RAC! As in bato raw. Registration Assisstant Conference. Yikees. Kinabibilangan ni Kordobs, Aika, Jamie, Ate Karina, Kyra and Joana. Naks. Naks. Hehe. Subaybayan ang pag-ibig ni Aika at ni Aaron, ang lalaking nangangain ng form5, JOKE! At si Jamie at si... C... Haha. Alam na. Whooo.
Wala daw comsci na kukuha ng Math74 ngayon. Yakers. Paano na 'yan! Madidissolve pa iyon! I'm doomed.
Sana makapanood ako ng Madagascar bukas. Whee.
Babush.
PS. Please don't try to comfort me. Wala naman kayong magagawa sa nangyari. Ikasasakit pa iyan ng ulo ko. Salamat sa mangilan ngilang tao na alam ang gagawin sa tuwing nadedepress ako. Salamat. Ayokong kaawaan ako. Nakakabwiset. Hindi ito kaawa awa. Katangahan ito. Whatever. :|