Hehe. Naadik na ako sa mga -ski na 'yan. 'di ba Judski? Si Judski may pakana nito. :|
Wala pa akong naaaral. Gosh. Lapit na mga depex.
Actually, may gusto akong ipost. Here it goes.
Nakakaasar. Kasi parang ako lang sa Biochem ang may concern sa movie. Well, meron iba, pero parang ako lahat gumagawa. No offense. Nakakaasar lang talaga. Laging ako lang ang tao sa meeting ng Biochem and comsci. Actually Kordoba ang Comsci lang pala. Lahat walang time. Lahat walang ginagwa. Kung ako kaya ang mawalan ng time at may gagawin, makikipag-usap ba kayo sa kanila? Lagi na lang ako. Pwede bang kayo naman?
Kaya nga kami gumawa ng committee, para mahati ang mga gawain. pwede bang kayo ang mag-iisip ng mga gagawin niyo? Sa Directing committee lang ako, hindi sa all-around-committee. Nakakaasar talaga.
Gusto lahat magcooperate, yes, andaming nagsasabi na I'll help chorba, E ANONG GINAGAWA NIYO? Tumutulong nga ba kayo?
Sa tingin ko nga rin wala ring pupunta sa Monday. Utang na loob. Naunahan pa tayo ng mga teachers. Nakakaasar talaga! Wala. WALANG INTERESADO. LAHAT BUSY. WALA. WALANG PAPAYAGAN.
Baligtarin na lang natin. Sabihin kong ayoko na talaga. Kung ano ang itinalaga sa akin, 'yon lang ang gagawin ko. Ang director ba ang magaasikaso ng lahat? I think not. Bwiset talaga.
Narealize ko na naman na every man is an island kanina. Shet talaga. Oo naman e. Totyoo naman e. Ayaw lang nating isipin na totoo kasi masaya tayo sa company ng ating mga friends and family. Argh talaga.
Naaasar din ako sa *toot*. Huwag niyo ng alamin.
Isa pa pala. Kung ayaw niyo namang makinig sa akin, Fine. Magbubura na ako ng mga CP numbers sa phone ko. At once na magappear ang number niyo, well, hindi ko na itetext. Sayang lang ang effort ko sa inyo.
Ayun. Basta. Nakakaasar ang *toot*. ANG *TOOOT*. Isipin niyo mabuti. Baka kayo na 'yan.
O Pasia. Uunahan na kita. I resign. But I will still be your director.
Have a good night.