Ako, ewan. Blogista na nga ba ako? Ang hilig kong gumawa ng blog entry.
Kanina lamang, kagagawa ko lang ng dalawang bagong blog. Este isa lang pala. Ang sa vox. Meron din ako sa tumblr. Meron din sa xanga ngunit 'di na nagagamit, pero nandun pa rin ang mga sinaunang posts ko. Dalawa pala sa tumblr. Ang isa ay para sa buhay biochem ko. Hehe. Tapos nasa blogspot ko pa ang mga luma kong posts at ang mga kinross post ko. Tapos may lj din ako. Ngunit huwag ng intindihin pa dahil pareho lang sila ng laman ng multiply blog ko. May private blog rin ako at ang link ay.... sikret. :D
Hehe.
Ang sarap magblog. At tama si Kath, kung walang nagbabasa, hindi gaganahan ang mga blogistang magsulat. Naks. Salamat fans!
Andami kasing laman ng utak ko. Andami kong iniisip kaya mas magandang may blog. Sinasabuyan ng magaganda at patapon na thoughts. Haaaaay.
Ayun. So magblog na rin ang ilang tao riyan para naman maipahayag niyo sa sanlibutan ang inyong mga nadarama!
Siyangaps, pasensya kung palaging Filipino ang posts ko. Mahina kasi ako sa ingles. At isa pa, mahal ko ang ating sariling wika. Naks. Naks. Nationalistic? Haha. I love the Philippines kahit minsan ang mga namamahala ay kurakot at makasarli. Tsk.
O siya. Me gonna cherba na.
PS Tumitindi na ang bumubugso bugso kong damdamin. Tila nagkakatotoo na ang lahat ng bagay na akala ko dati'y panaginip lang. Ano raw? :D