Isa lang ang subject ko kanina. Chem31. YES! Hindi ako natulog sa klase. AT conflict ang first depex ko sa Chem31. Kinausap ko si Ma'am at pumayag siya na magaadvance exam ako. Yipee Haha. Ang bait niya. Yey! Magrerecite na rin ako next meeting. Kailangan kong mabawi ang pagtulog ko ng 2 meeting. Aylabyu Ma'am!
After nun, sumama ako kina Step at Kat sa rob. CornDog, thank you sa gift. Ginagawmit ko na siya! Hehe. Nagrob kami. Nagbabalak akong kumuha ng starbucks planner. Mga taong hindi nagbabalak at umiinom lang ng kape, bigay niyo na lang sa akin stickers niyo. Please? Huhu. Sakit sa bulsa magstarbucks. Hindi pa naman ako mayabang I badly need that planner. Echos? Basta. Gusto ko nun. :|
Tapos, nagpaburda sila, kumain sa rob.. Tapos, AFF. Omeegash. Lumabas na ang 2009 ed! SHEEET. Jelly and 4nite, aylabyu! Mga magreregalo sa akin, jelly po at 4nite ah! 'yong cassette, lightbulb, tapos, blue, at black na jelly. SHEEEET. Hindi na ako pwedeng bumili e. PERO GUSTO KO. SHEEEEEET. HAVAIANAS, COME TO MEEEEE. Haha. Walanghiya. Ang gaganda ng mga designs for 2009 ed. SHEEEET super talaga. :(
O siya. Tapos nagRA na ako. Pinaakyat baba ako. Pinapunta ako sa 8th floor ng PGH, cash office, balik sa 8th floor ng PGH then cash office. WHOO! Pero ok naman. Dumating si Ate Ivy tapos nagkwentuhan kami. Ayos din pala ang mga tagalog romance novels. Haha. Astiiiig.
O siya. Sa Thursday ang Twilight ah? Whee.
Wala na akong masabi. Tsk. Kailangan ng mag-aral sa punyetang Physics. Gahd. Wala akong naiintindihan.
WAIT. Pansin ko, ang hilig kong gamitin ng katagang "o siya" bakit kaya? Hmmm. Ano kaya ang nasa subconscious ko? Tsk.
Babush na. :)
PS Waa. 'di pa rin maayos ang script. Help naman diyan o. :( Waa. kailangan na nating magstart. Malapit na ang mga unang depex. And I don't wanna fail. :(