
Wala lang. Nagamit na kasi ang title post na BAKIT. So why naman.
Tanong lang. Bakit kapag gusto mo ang isang bagay, gagawin mo ang lahat para makuha ito ngunit kapag inooffer na sa iyo, aayaw ka na? Gets?
Nafifeel ko kasi 'yan. Lagi akong nangungulit. Lagi akong nanghihingi ng food. Pero 'pag bibigyan na ako, parang ayaw ko na. Parang nakakahiya na. Pero hindi ba 'yong panghihingi ko nakakahiya na? Bakit kaya ganun?
Nagaapply 'to sa maraming aspeto ng buhay, hindi lang sa pagkain. Hindi ba't mas maganda kung hindi tayo manghihingi [kung ano man 'yon] at pababayaan na lang sila na magkusa magbigay?
Ang weird talaga ng buhay.