Twilight.
Usong uso na. Oh shit. Lahat ng tao in love kay Edward Cullen. Lahat ng tao gusto maging Bella Swan. Lahat ng tao gusto maging vampire. Lahat ng tao nahook sa TWILIGHT.
Babala: Opinion ko lahat ito. Huwag mangailam.
Well. Naaasar na ako sa Twilight.
Thoughts about Twilight:
- Andami ng adik sa Twilight. Like super dami. Kaya parang kapag nagbasa, kasama ka na sa flow. E hindi e. Basta. Parang hindi ka tao sa panahon ngayon kung hindi mo alam ang TWILIGHT. Masyado na siyang sikat. Marami na talagang naaadik.
- Sumikat ang Twilight ng nalaman na ang Edward ay si Robert Pattinson. Haller. Ampangit naman nun. Hindi ko siya type. Hindi siya bagay magEdward. Crap. Nakakaasar.
- Hindi masyado maganda ang book. Plain and simple. Hindi exciting. Hindi gaanong nakakathrill. Parang fanfic lang. Oo, maganda siya pero, hindi siya ang type ng book na magiging classic one day. Hindi niya saklaw ang lahat ng age groups. Pang teens lang siya. Young adult.
- Simpleng love story lang siya. Average girl na nainlove sa isang vamp. Haller? E 'di hindi pwede! Predictable masyado. Walang mystery. Ok ng makabasa ng isang book. Hindi siya complicated. Tapos walang kwenta ang climax. Wala lang. Hindi nakakaexcite. Boohoo.
- Maraming exagge na readers. Super ganda raw ek ek. No. Hindi siya appealing. Simple lang kasi siya. Mas ok pa nga sina Grisham at Sparks sa kanya e. Fanfic nga lang talaga ang dating. Masyadong mababaw din. Grabe. Hindi pala mababaw. SUPER MABABAW pala. Ang light pa. Tipong isang basa lang. Gets mo na. Nakita mo na ang story.
- Nakakaasar ang NEW MOON. Wala siyang kwenta. Argh. Ang senseless niya. Halos buong libro kinuwento lang ang chorbahan ni Bella at Jacob. Ang Twilight naman pagkikita at pagkakilala lang ni Bella at ni Edward. Ang konti ng action at thrill. May mga vamps pa namang characters!
- Basta. Walang special sa kanya. :|
Naaasar ako sa mga taong kinocompare siya sa HP. The hell. HP is WAY better than this. Shit. Ang ganda talaga ng HP. Kailangan pa bang iexplain? Wala sa kalingkinan ng HP ang Twilight. Haha. Basta. Super laki ng difference nila. Kaya please, huwag icompare. Haha. Parang kinompare ang Manila Bay sa mga beach ng Bohol. Hahahahahaha.
Top 3 series ko pa rin ay:
- HP! The best! :)
- ASOUE. Oo na, pambata. Pero mas manggigigil ka rito kaysa sa Twilight. Mas intelihente ang tauhan rito kaysa sa Twilight. Mas astig. Super fan pa rin ako ng ASOUE.
- Chronicles of Narnia. Super gandaaaaa. Haha. Anlawak ng mundo na ipinakita nila. Andaming possibilities. E ang Twilight? SMALL WORLD.
Conclusion:
Wala. Haha. Ginawa ko lang ito para makontra ang mga taong naaadik sa Twilight. Haha. Joke. Pero maganda naman kasi siya hindi lang kasing ganda ng HP. Masyado lang kasing exagge ang sangkatauhan. So ayan. Huwag ng maging OA about Twilight ah? :D