Super pagod na ako. Physically, mentally, emotionally, spiritually and socially. Ayoko na. Napakadaming iniisip. Napakadaming gagawin. Napakadaming aaralin. Ansakit pa ng gastrocnemius ko. Hindi ako makalakad ng maayos.
Parang highway to hell talaga ang Biochem. Gagawin mo lahat makapasa ka lang. Gagawin mo lahat ng mga bagay na hindi mo ginagawa dati. Kailan ba giginhawa ang buhay kong ito?
Schedule:
8/3 Pasahan ng SUPER habang formal report na feeling ko mali mali na ang gawa ko
8/4 Test sa Chem 31.1
8/7 Test sa BioLab and PhysicsLab
8/8 Pasahan ng project sa Chem 18
8/11 Test sa Chem 31
8/13 Test sa PhysicsLec at Chem18
Wala pa diyan ang sched ng finals e mukhang magfifinals ako sa Chem 31, Chem 18 at Physics. Grabe na talaga. Ang hirap na nga ng mga subjects, nagsabay sabay pa! Paano pa kaya next sem? Ayoko ng bumagsak. Ayoko na. Nakakahiya na ewan na hindi ko alam.
++++++++++
Nababagabag na naman ako. Hindi ko kasi alam kung haharapin ko ang nasabing bagay na iyon o palilipasin ko na lang. Baka palipasin ko na lang. Mahirap na. Baka mali pa ang assumption ko.
Sana maliwanagan na ako. Ang gulo e. Gusto ko na talagang malaman ang katotohanan. Pakisabi naman sa akin. Nalilito na ako e. Waa.
++++++++++
Talo pala kami sa Badminton. Ayoko ng magsalita. Ang cheverloo kasi. Hay ewan. Badtrip. Na hindi ko maintindihan. Argh. Nakakahiyaaaa. Pero ano bang magagawa ko?
Grabe. 4 na taon pa ako magtitiis. Ang hirap talaga. Sana talaga makayanan ko. Waa. ANDAMING GAGAWIN. E hindi pa naman ako matalino. HINDI AKO MATALINO. Hindi kaya ng utak ko na umintindi ng mabilis.
Hindi ko pa nakukuha unknown ko. 20% ng grade ko 'yon sa lab. Please. Tulong naman. Waa. Waa. Please, isalba niyo ako. Waa. Waa.
Gulong gulo na talaga ako.