Naaalala ko ang Cueshe. E kasi naman, walanghiya, UMUULAN sa loob ng bahay. Hehe. Anlakas kasi ng ulan sa kalakhang Maynila. WTH. Ang ingay. At ang LAMIG. Nakatulog ako habang nakikipagdeyt kay Plato. Mas gusto ko si Machiavelli kay Plato. Kaboring kasi ng PLATO. Walanghiya siya. Alam kong kailangan ko siya para makakain, e 'di ba, may TASA naman. AHAHA.
Kurneeeeeeeeeee ko na. WTF. Haha. O siya. Wala naman nangyari kanina. No comment na ako sa Bio lec test. Hehe. Tapos, fuck, hanap ako ng hanap sa buong CAS, nakitext pa kay Daddy Tabin, malalaman ko lang pala na nasa caf sina Macalino at Ja. Haha.
Wala na talagang sense ang sinusulat ko. Ayoko na. :|
Ito na lang. May surprise ako sa birthday ni Macalino. Magashushushushush tayo tapos ashushushushush tapos ashushushushush para maashushushushush at maashushushushushush. Ok? PakiPM na lang ako kung interesado kayo.
++++++++++
Magulo ang fortuna ko ngayon. Kaya sana makagawa ako ng isang pangyayari or sitwasyon para umakma naman ang virtu' ko kahit papaano. Tsk.
++++++++++
Mahirap manghusga ng taong hindi mo naman kakilala. Pero minsan, hindi natin ito maiiwasan dahil kahit papaano gumagawa tayo ng paraan para makilala sila ng lubusan.
++++++++++
Lahat ng ginagawa ng tao ay may dahilan, consciously or unconsciously, kaya dapat intindihin natin sila. Malay mo, may maganda silang dahilan kaya nila nagawa ang ilang mga bagay bagay na hindi kanaisnais sa paningin ng iba.
++++++++++
Ang pagkakaibigan ay parang tissue paper na kung saan hinahayaan mo ang iyong sarili na gamitin ng iba para sa kanilang kasiyahan. Ngunit kung nasobrahan sa gamit ang iyong pinagalayan, baka mapunit lamang ito at mahihirapang ibalik pa.
++++++++++
Ano 'tong pinagsusulat ko? Haha. Words of wisdom kuno na galing sa isang impokrita. Haha. O siya. Alis na akowww. Sana matapos na ako kay Plato. MARAMI PANG POLITICAL PHILOSOPHERS DIYAN. Hindi lang si Platow. :D