SUER LONG POST.
Alam kong hindi ako magaling. Alam ko na ako ang pinakabobo sa block. Ano pa ba ang gusto niyong iparating?
Sorry groupmates kung hinila ko pababa ang inaasam niyong mataas na grades. Sorry. Ako ang malaking factor na nagpababasa grades natin sa reporting. Sorry. HINDI KO KASI ALAM. HINDI NIYO KASI SINABI SA AKIN NA MALI. Sana huwag kayong magalit. Wala kayong karapatan. Dapat kasi nirecheck niyo muna gawa ko, hindi 'yobg magtitiwala agad kayo na tama ang gawa ko. Pasesnya hindi tayo magkakasing talino. Sadyang bobo ako.
Alam kong bumaba ang grades natin. Alam kong ayaw niyo nun. Alam kong gusto niyo ng mataas. Alam kong naaasar kayo dahil dahil sa akin, bababa na tayo sa reporting. Hindi ko naman sinasadyang mangyari 'yan e. Hindi ko sadyang maliin 'yan. Ano ako loka loka? Siguro tamad talaga ako kaya inexplain ko na lang sa sarili ko. Pasensya na. Nakakaasar na talaga si Sedricke. Waa.
Alam ko naman na may ibang natuwa at SOBRANG napahiya ako kanina. Kaso ginawa ko na lang ang ilang bagay para hindi ipakita na sobrang nadown ako. Walanghiya. May nakita pa akong isang natawa. Sige, tawanan mo lang ako. Ang galing mo e. Hindi talaga tayo magkalevel. Average ako, ano ka pa? Oo na, oo na, oo na. Antanga ko na. Ano pa ang gusto mong palabasin? Bobo ako. Ano pa? Shet.
Kayabangan, umalis ka na sa katawan ko!
Alam kong may mga natutuwa at napapahiya ako. Kasi mayabang ako. Alam ko naman na sa totoo lang, gusto niyo akong pagdiinan nung napahiya ako. Aaminin ko, masyado kasing payabang ang dating ko kaya ang hirap kapag napapahiya ako. Maraming kuru-kuro. Maraming sinasabi ang ibang tao. Tipong " 'yan kasi e.." ang drama nila. Andami ko kasing ginagawa na hindi related sa acads. Tapos nageexcel ako sa bagay na hindi naman makakatulong sa pag-aaral ko. Kaya alam kong mahirap kapag napapahiya ako. Oo na, pride na naman. Hindi na ako umiyak or whatsoever na lam kong gagawin ng iba kung nangyari sa kanila ang kahihiyan na nadama ko kanina. Ayokong umiyak. Dahil hindi siya nakakaiyak. Kasalanan ko 'yon, inaamin ko. Pero basta, nakakahiya. Medyo hindi ko matanggap ang pagpapahiyang ginawa ni Sedricke.
Nakakaasar. Alam niyo bang elementary pa lang, hindi na ako nagrerecite or nagrereport? AKo 'yong taong hirap magexplain ng isang bagay sa harap ng maraming tao. I prefer essays. Basta. Tanungin niyo pa ang HS classsmates ko, ilang beses na akong napagalitan dahil ayoko magsalita sa harap ng class kahit alam ko na. 'yong kay Mrs. Bunagan nung 2nd year. Hindi ko naituro ang reservoir. Kahit alam ko, kahit nakasulat na, kahit idinudutdot na sa mukha ko ang pointer niya, hindi ako nagsalita. Napipi ako. Ewan ko ba. Ngalit si Mam sa akin noon at pinalabas ng kwarto. Isa pa 'yong kay Sollera ba 'yon? Alam kong alam niya na alam ko 'yong ipinapasolve niya. KASO, hindi ko talaga sinagutan. Binato niya sa akin ang chalk sabay walk out. Kahit alam ko, obviously, kung paano isolve 'yon, pinagpilitan ko sa sarili ko na hindi ako magsasalita. Nagalit siya sa amin the whole week nun.
Sinasabi ko lang 'to kasi kanina, doon sa conclusion part, may naiisip akong sagot pero hindi ko talaga sinasabi. Ayun! Takot akong magkamali ang sagot ko. Ayokong mapahiya pa ulit. Ayokong magtry. Ayokong mapahiya. Ayoko.
Alam kong ampangit na ng image ko kay Sedricke. Ang ingay ingay ko tapos wala naman akong binatbat pagdating sa acads. Parang pang perya lang ako sa mata niya. Ganun ang naiisip ko. Nahihiya talaga ako sa sarili ko sa mga nangyari. Parang hindi tuloy ako UP student. Ikinahihiya ko talaga ang sarili ko.
Alam ko rin na ayaw talaga sa akin ni Sedricke. I mean, ako ang pinakanakakainis niyang student and all. Wala na akong magagawa. Nakakaasar naman din siya e. Brief lang daw gusto niya, tapos nung ginawang brief, andaming hinahanap! Nakakainis.
Eto pang DEPARTMENT OF BIOLOGY este BUSINESS. 100 per hour ang LCD? Gahd. 400 ang binayad namin sa DB dahil diyan. Kurakot. Tingnan niyo mga Bio majors. Sa DB sila bumibili ng books. E 'di ang laki ng kita ng DB dun kung sakaling may share sila sa books. Grabe. Kaya pala magarbo ang Bioweek dahil diyan. Okay na ako sa DEPARTMENT na PURO SINGKO MAGBIGAY. At least hindi kurakot. Mahal ko na talaga ang DPSM. Naging mas ok pa ang tingin ko sa DAC kaysa sa DB. Yakerz talaga sila.
Sige na nga, dahil ganado naman akong magkuwento.. May mga ikukuwento na ako na ewan ko ba kung bakit ko ikukwento.. Ako ang taong malakas ang memorya pagdating sa maliliit na bagay. May isang tao ngayon recently ang hindi pumapansin sa efforts ko. I mean, kapag siya nanghihingi ng favor, go naman ako kahit medyo nahihirapan ako, pero kapag ako nangailangan, kahit kanina, simpleng tanong lang, hindi niya masagot ng maayos. Kaunting time lang naman ang hiningi ko sa kanya, hindi niya pa maibigay. Noong isang araw pa 'yan. Hay. Sana kasi napapansin niya efforts ko. Alam kong mali mali gawa ko, pinaghihintay ko siya and all, pero isipin niya, kung ibang tao siya, iignore ko siya. Ginagawa ko ang lahat para matulungan siya. E nung ako na, ano nangyari? Wala. Wala.
Napapansin ko ang mga maliliit na bagay. Naaalala ko sila. Alam ko kung may care ang isang tao. Naaalala ko ang time na naasar ka sa akin. Naaalala ko na sinungitan ako ng isang tao sa certain places. Naaalala ko ang mga walang kwentang bagay na pinagsamasama mo, walang binatbat ang isang pangyayari na isang bagsakan lang.
Bakit ba kasi may mga taong hindi 'yan ang ibinibilang? Hindi 'yan ang inaalala. Sa totoo lang, 'yan ang mas magandang patunay ng ilang bagay sa mundo kasi ginagawa nila 'to ng hindi nila alam na may nasisiyahang mga nilalang. Hindi magandang balewalain na lang ang maliliit na bagay na nagpapaikot sa mundo. Hindi dapat extraordinary ang ginagawa para tumatak sa isipan ng isang tao. Gets niyo na naman siguro ako. :|
Basta, naaalala ko lahat ng maliliit na bagay na ginagawa niyo sa akin, masama man o mabuti.. Wala lang....
Sorry ulit groupmates sa bio lab. Hindi ko talaga ginawa 'yon intentionally.
Sana tumigil na rin ang kayabangan ko. Waa. Mahirap ang buhay ng isang mayabang na tao. Mayabang at mataas ang pride na tao. Oo, mahirap.
Gusto ko talaga ng top bicolor na carmine red or illusion green. Bilhan niyo ako! Please. Waa. Habyanas. Habyanas. Lumapit ka! :(
Tournament! Whee. Haha. Maka2nd sana ang 11-1 class. Aylabyu PE mates! :)
NAPAKAHABA NA NG POST KO. Kung ang lahat, ay may katapusan.. Thank you! Thank you!