Ayooooooooooooko na. Ayoko nang plastikan pero ayoko na kayong maging kaibigan. Kasi kapag naging kaibigan ko ulit kayo, magpaplastikan ulit tayo.
Maraming masasayang bagay na nagyayari rin sa akin pero ito ang namamayani e. Nakakaasar na talaga. Tapos tipong sa akin binubuhos lahat. Sorry ah! Paranoid talaga ako.
Naaasar na ako. Naiirita na ako. Sige pa, magparinig pa ang sambayanang Pilipinas. Kahit ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko, ako naman palagi ang mukhang masama kasi hindi ako kasing 'hina' nila na umiiyak agad. Alam ko kung kailan ako tama o kailan ako mali. Kapag tama ako, hindi ako umiiyak kasi alam kong kaya kong panindigan ang mga sinasabi ko.
Salamat sa mga taong nakakausap ko. Salamat sa pakikinig sa mga hinaing kong walang kwenta. Kasi hindi naman dahil mahilig ako magjoke, kapag nagjoke kayo ukol sa akin, ok lang. Hindi purkit hindi ako umiiyak, hindi ako natututong masaktan. Bwiset na buhay 'to.
Nakakabwiset na talaga. Wala na akong gana sa inyo. Wala na. Wala akong kwenta sa inyo at lalong wala kayong kwenta sa akin.
Natuwa ako sa kwento ni Jal kanina. Ok siya. Nakapulot ako ng aral. Thank you Sir Taguibao. :)
O siya. Gagawa pa ako ng pedigree. Sana pwede sulat kamay. Tinatamad na akong magtype.