Every Man is an
Naniniwala ako na ang bawat tao ay isang isla. Hehe.
I mean, lahat tayo ay nabubuhay para sa sarili lang natin. Oo nga, we can depend on others pero hanggang doon na lang. Tayo pa rin ang masusunod kung susunod ba tayo sa kanila o hindi. Tayo pa rin ang nagdedecide kung ano ang gagawin natin at hindi,. Parang guide lang ang tingin natin sa ibang tao.
Hindi ako naniniwalang no man can live by itself. I believe na kaya niya. Alam kong weird pero, naniniwala talaga ako na ang mga tao ay nabubuhay para sa sarili lamang nila. Lahat tayo ay nabubuhay dahil all living things struggles to exist. Buhay tayo dahil binubuhay natin ang sarili natin. Parang extra points na lang kung tutulong tayo sa kapwa nilalang natin na nahihirapan ng humanap ng way kung paano magsusurvive.
Gets niyo naman siguro ang point ko. Lahat tayo may kanya kanyang buhay at tayo ang gumagawa ng future natin. Huwag nating kaasaran ang mga taong nagsasabi na bahala na tayo sa buhay natin. May point ang mga taong nagsasabi nun. Hindi sa lahat ng oras kailangan mo ng taong magtatayo sa iyo sa tuwing madadapa ka. Kailangan mong makaisip ng paraan kung paano makakatayo at ipagpapatuloy ang iyong buhay. Sinasabi lang nila na kaya na natin, aanhin pa ba natin ang tulong nila, kung kaya naman natin.
Napaisip lang ako kasi nagsabi ako ng “Bahala ka na sa buhay mo.” sa isang tao. Hindi ko ineexpect na masasaktan siya sa pinagsasabi ko. Well, kung ganyan ang lahat ng tao, para saan pa ang term na care?
Ang weird talaga ng topic. Haha.
At ang gulo ng utak ko. Sobrang gulo. Sorry. L
Basta. Live by yourself. Do not depend on others if you can do it yourself. If ever you can not do it alone, always find a way. Meron ‘yan. Kung kaya naman, huwag ng umasa pa. Huwag ng mangupahan pa kung kaya mo naming magkabahay na. O ‘di ba? J
O siya. Medyo maayos na utak ko. Babay! J