Friday, September 05, 2008

Ok. Huwag ng buksan. Huwag na.

Alam niyo, ang blog na ito lang ang outlet ko. Wala akong masabihan ng thoughts ko. Wala akong masabihan.

Hindi ako nagbibiro sa excuse kong ooperahan ang lola ko sa mata. Siguro hindi niyo lang alam kasi hindi ako nagkukwento ng ganitong mga bagay sa school. Wala naman kasi kayong mapapala sa mga kwentong tulad niyan. Hindi ako mahilig magkuwento ng mga bagay na malungkot etc. Kaya nga ang saya saya ko palaging tingnan.

Oo na Api, ako ulit ang pinatatamaan mo. Obvious naman e. Wala na akong magagawa. Oo, impulsive kasi ako kaya ganyan ang nangyayari. Isa pa, minsan, akala ko lahat joke kaya siguro pinagtatawanan ko lang ang iba. Seryoso naman ako sa sinabi ko e. Hindi lang kasi ako madaling maintindihan. Moody ako. 'di mo pansin minsan kapag nagjojoke ka, nababadtrip akopero mas malala pa akong magjoke sa 'yo? In short, selfish ako. Gusto ko ako lang. Kaya siguro nasabi ni Raine na iwasan ang pagkacrab kasi unconsciously, nagagawa ko ito. Alam ko. Oo. Oo na Api, sapul talaga lahat ng sinabi mo. Hindi ako magfifeeling na hindi ako 'yon whatsoever. Kilala ko sarili ko kaya alam kong ako nag dinedescribe mo. Alam kong ganun ang tingin ng tao sa akin. Alam ko. Alam ko na darating ang araw na lahat kayo against na sa akin kasi nga hindi maganda ang lumalabas sa bibig ko palagi. Laging pabalang, laging galit, laging sarcastic. Alam ko, oo.

Tinatry kong magbago kung alam niyo lang. Mas matindi ako nung elem, nagimprove nung high school. Selfish nga kasi ako. Mayabang pa. Oo, kahit wala na akong ipagmamayabang, mayabang pa rin. Masama ang ugali ko. Alam kong mali na ako, pinipilit ko pa ring itama. Alam kong nakakasakit na ako, natutuwa pa ako. Oo, natutuwa ako sa tuwing nakakakita ng taong umiiyak. Ayoko kasi ng kahinaan. Ayoko ng ganun.

Alam kong ampangit na ng image ko sa inyo. Hindi pa tayo masyado magkakakilala pero pangit na. Lumabas na rin ang tunay kong ugali. Lumalabas na nasobrahan na ang pagkaplastik ko.

Ok, fine. Kung gusto mo akong tumigil, titigil na ako. Hindi na ako magsasalita ever sa issue na ito. Hindi ko na kakausapin ang mga taong involved. Ayaw mo na 'di ba? At alam mong makakasakit lang ulit ako. E 'di itigil na lang. Mas maganda na siguro 'yon.

Oo, mataas ang pride ko. Pinipigilan ko na 'yan. Nagpapakababa na ako minsan. Mahirap talagang lumunok ng pride lalo na kung kasing laki mo ito. Sige, hilahin mo na ako pababa. Mas makakatulong iyon.

Makagawa na nga ng bio. Peste.


left at 11:51 PM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.