Tentenenententen! Obyus naman 'di ba? Ang mabangga ng isang sasakyan! Boogsh!
Andaming beses na akong muntik masagasaan. Oo! Isa isahin natin.
- Nasa gitna ako ng kalye, at GO. So sa harap ko papunta sa left ang mga sasakyan, sa likod ko papunta sa right. Nasandwich ako. Gahd. Gahd. Hehe.At ilang sentimetro lang ang layo ng bawat sasakyan na kumakaripas ang takbo sa akin. Yebah.
- Tinry kong sumisik sa isang sulok na pagpaparkingan ng jeep kasi tinatamad akong umikot pa. Nung palapit na yung jeep, tumakbo ako! At naipit ako ng jeep. Sabi nung driver "P*tang*na, laki laki ng daan dito daraan!" Haha. Lol.
- Naglalakad ako. Mag parating na tricycle sa gilid ko, alam kong dadating siya. Alam kong hindi niya ako mababangga ngunit, ayun! Mga 1 foot ang layo sa akin nung tricycle. Sabi nung tricycle driver, "P*tang*na mo! Pakamatay ka na!" Omeeegash. Hehe.
- Naglalakad ako sa Faura. E trapik, si Macalino ang unang sumiksik sa pagitan ng isang umaandar na jeep at isang kotse. Ayos! E nung ako na, bigla siyang umandar! E hindi siya straight magpatakbo, naipit na naman ako! AYOS!
- Nagpatakbo backwards ang isang bus. WAW. Like WAW.
- Madalas akong tumatakbo kahit Go pa. E kasi naman, nakakainip...
- Kanina lang, mga 1 meter na lang ang layo nung jeep, at mabilis siya, pero pinilit ko pa ring tumakbo at tumawid! Ayos! Nakatawid ako. :D
- Naglalakad ako sa kalye. E paGo na.. E pinilit ko pa rin. Habang tumatakbo, whoosh! Hehe. 5 centimeters na lang ang layo sa akin nung jeep! WAA. I'm centimeters away from death.
- At marami pang iba. Hehe. Halos araw araw na ako muntik mahagip.
Siguro nagmana lang ako sa aking mama. Nung bata kasi yun, tumatawid siya sa ilalim ng mga ten wheeler truck kapag trapik. Haha. Adik no? Mas adik pa sa akin. Haha. May pinagmanahan talaga ako.
Alam ko talagang mamamatay ako one day dahil mababangga ako. Hay. Tanggap ko na. Siguro nasa unconscious ko na gusto kong magpakamatay or something kaya ganito. Hehe.
At ako kasi yung taong mainipin. Kaya siguro ganito. Ayoko talaga maghintay. Ayoko. Impulsive din ako. Kung ano ang naisip gawin, gagawin na agad. Nakakatamad kasi minsan isa isahin lahat ng pros and cons ng isang bagay. Minsan, feel natin na tama agad ang unang sumasagi sa isipan natin. Oh well.
O siya. Babush na. Hahatiin ko pa sa apat ang oras ko. Oral rep sa OrgChem, Biolab Written Report, OrgChem DepEx, Chem 18 DepEx. Asa naman ako. :)
PS.
May design na ako para sa TEN. Hehe. Watchout!
At excited na rin ako sa Maunday. :)