Monday, September 22, 2008

Whee. Gusto ko ng care bears. :( Si Secret Bear na lang ang natira sa akin. Tawag ko sa kanya Baby Bunny Ears kasi may bunny ears siya! :) Regaluhan niyo naman ako. Please? :) Maaappreciate ko talaga. :)

KANINA. 'di ba sabi ko 7am ang meeting time? 7.55am na kami nakababa. Kulang pa kami ng 2 niyan. Ang saya! Mukhang natuwa si Maki sa espesyal naming pagtatanghal para sa kanya. Si Vina talaga! Sinayawan si Maki! Awoo. Haha. Problema lang ni Istep, 18 ang librong bubuhatin niya. Musta naman 'yon 'di ba?

Tapos HINDI kami nagmath. Haha. Actually, hindi ako nagchem. Nakakatamad at burtdey ni Maki. Natatawa lang ako. Hinanap daw ako ni Robi kanina. Haha. Namiss ako. :D

BUMILI SILA NG HABYANAS! Grabe. Si Kat at Step. Tapos may Jansport na rin sila. E ako? Nananatiling poor. Pwede bang magupgrade at maging payb na? Nyekerz.

Thoughts About Habyanas.

Wala lang. Maganda nga ba ang Havs? I mean, mas maganda kaya kung ang tao na kaya naman bumili ng Havs ay dapat bumili ng Havs kasi talagang worth it 'to? Ang Havs ba ang makakalutas ng problema ng Pilipinas? I think not. Pero siguro matibay at maganda(?) talaga ito kaya tinatangkilik ng ilang nakakayanang bumili. Pero mayroong mga taong medyo gipit(marami akong nakikita sa mga AFF na ganito) na pilit pa ring bumibili para magmukhang sosyal. Hay. :)

At kumain kami kanina sa Pichahat. GRABE. Dahil poor kami, ngayon ko pa lang natikman ang cheesy pops nila. GAHD. Ang sarap. Waa. Tapos kumain din ako ng pasta. Waa. Tapos binaunan pa ako ni Tita na hindi ko nakain. Waa. Tapos binaunan ako ni Mami Macalino. Waa. Waa. Feeling ko tumaba ako ngayong araw. Napakarami kong kinain. Gusto ko pa sanang magDQ pero.. 'di na kaya ng tiyan ko. Wala akong tulog. Waa.

Enough about Waa. Hehe. Ay. Chismax. Si Waa. Grabe. Alam kong naghihikahos na ang pamilya nila pero ito siya, nagfifeeling mayaman. Naalala ko si Heart sa Tanging Ina Mo. Basta. Gets niyo na naman ang point, hindi ba? :)

Tapos, ayun, bumili ako ng salamin na bilog sa NBS. Ang cute cute niya. Tinamaan ako ng toyo kanina kaya sinuot ko siya sa Rob. MARAMING TUMITINGIN SA AKIN. Akala siguro Abnormal ako. Bwahaha. Pero ang cute cute ko talaga. :) Haha. Walang kokontra. At kanina lang 'yon. Super cute nung glasses.

AY! Bago dumiretso ng school, bumili si Kat ng vodka. Waa. Naipasok namin sa campus at nakatikim ako at ang SARAP. Alam mo naman ako e.Adik. Pero ayoko ng alcoholic beverages. Pero masarap siya talaga. Balak ko nga rin bumili e. 'yong Raspberry. :) Waa. Nakakaadik siya! Si Api ang may kasalanan. Jeeewk. :)

Tapos nakatulog ako. Tapos nakakaasar ang bio. 10 minutes ang report 'di ba? 3 kingdoms ang kulang. AT ANIMALIA kami. Musta naman 'yon? Ang haba talaga nung amin. Haha. Bahala na nga.

LRT moments. Naaasar ako sa mga taong ayaw magbigay ng daan sa mga taong palabas na. Pucha. Sila, pwedeng sumakay sa next train pero ang taong bababa na sa istasyong iyon ay lalong mahihirapan kung hindi makabababa agad. Lagi sana nilang isipin ang for the greater good hindi 'yong pansarili lang. Hay. Kaasar. Sarap pagmumurahin. :) May point naman ako 'di ba? Grrrr.

Binilhan ko na rin ng regalo nanay ko kahit sa Wednesday pa ang birthday. Surprise kasi ang cake. Yikee. Sana matuwa ang loka.

O siya. Ano pa ba ang ikukwento ko? Hm. Hm. Ay. Ayun, naguguluhan pa rin ako sa ilang bagay. At ang cute ng Wall.e at salamat sa 18 books. The best kayo. Istep, salamat sa food, ginawa mo akong patabaing baboy. Haha. Joke. Labyu, at happy birthday muli. VODKA, AYLABYU. :)

Baboooooooooooooooooooooooooooooooosh. :)


left at 4:06 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.