Saturday, August 16, 2008

Kung alam niyo lang.

Nagising ako ng 6 para makapasok ng 8. 4-6 kasi ang test sa OrgChem at wala akong matututunan kapag nag-aral sa bahay. Pero 10.00 na ako nakarating. Alam niyo naman kung gaano ako katamad.

Dumiresto ako sa roundtable kung saan nakita si Aika at Steph. Hehe. Tapos may TSHIRT na sila! WAA. ANDAYA! MAGANDA PA NAMAN. So ayun. Diretso kami sa uber gandang KFC kung saan tumambay kami mula 10.30-2.30. Haha. People come and go. Napatunayan ko. Kami kasia ng pinakamatagal dun. Kasama namin si Api. Gusto ko ngang kunin 'yong plank e. Para akin lang talaga 'yong pwestong iyon. Hehe. Nagdiscuss lang kami.

Nawala agad ang alam ko nung nagtest. Super hirap. As in. Miniminimouse na ako. Huhu. Tapos nung sinabing 2 minutes na lang, nagoverflow ang information! Buti mabilis akong magsulat. Sana pumasa ulit ako katulad nung last time. Hay. Nakakainis na minsan ang kabobohan at katamaran ko. :(

So, sabay sabay na kaming umuwi nina Aika, Danette at Jiggy. Pagkababa ko ng Tayuman, naghintay ako na magred ang stoplight kasi magpapaload ako sa tabi ng Jollibee. Noong magpapaload na, nakabukas ang bag ko at wala na ang CP ko. 'di ko na alam ang gagawin ko pero may isang stranger na tawagin natin sa pangalang Mouse ('di ko kasi nakuha name niya.) na nagsabi sa aking nadukutan ako. So habol kami. Tapos sabi ni Mouse tumawag muna kami ng pulis. So nakahanap kami, sa tabi ng ESP. So tinawag ko at nagsumbong. Tinuro ni Mouse nag magnanakaw at nahuli. Dalawang buntis. Wala na sa kanila ang cp ko. Tapos pinasakay na sila sa police car. Grabe talaga. Ambait ni Mouse at nung kasama niya. Ayaw nilang sumakay sa police car kasi baka daw sabunutan sila. Natatakot. So nauna sila sa Station 3.

Mouse and kasama ni Mouse, thank you. Kung 'di dahil sa iyo.

Loadan sa ilalim ng LRT station, sorry. Babayaran kita kapag nagLRT ako sa Tuesday.

Ako naman sumakay sa police car. Wala akong magawang emosyon. Pero alam kong usually umiiyak ang mga nadukutan, so umiyak ako. Pumunta kaming Jose Reyes Hospital para ipamedico legal. Nakaexperience ako ng "police brutality" kasi tinadyakan ng police pero I won't consider that as a brutal thing kasi it's part of their job. Kung 'di mo tatakutin, walang mangyayari.

Ako ang nagbayad ng 60php for the medicolegal kasi sinabi na sa akin na may possibility na makuha ang cp ko.Ano ba ang 60 sa 14,700? Hay. So eto naman ako, kinukulit si Mamang Pulis para sa isang telepono para makatawag. Nagulat sina mami. Whoa! Tapos inexplain sa akin ng pulis na buntis sila kaya raw nila nagawa 'yon. Kung maibabalik daw ba ang cp, patatawain ko raw ba? Ang sagot ko OO. Siyempre, kailangan kong mabawi si cp. Kapag pinakulong ko 'yan, 'di ko na makukuha ang cp ko. Isa pa ay kawawa naman ang mga batang nasa sinapupunan niya. So, ayun, cp na lang ang pinili ko. Kahit hindi sila nakulong, ok lang. At least may puso pa rin ako, at hindi na ako reresbakan ng sindikato nila. Mukhang malaking sindikato e.

Tumawag ulit ako sa bahay para sabihing pumunta na lang sa JRH. Walang tao sa bahay. As in. Si Tita, Olib at Mami ay pinuntahan ako. Si nanay lang at Boy ang naiwan sa bahay. Tinawagan sila ni Manong police at nalamang malapit na pala sila sa FEU. Pinabalik ko. Nahulog ko pa nga ang cp nung police e. Sorry po! :|

Dumating na sina Tita at napagkasunduan na nga lang na kunin na ang cp ko. After 2 hours bumalik na ang 2 pulis at binalik na si cp. 'yong isang magnanakaw, nalaglagan ng bata. Alam kong karma, pero wala tayong magagawa. Kawawa 'yong bata. Wala siyang kasalanan. Pero dahil nabuo siya, ginawa ng nanay niya ang lahat ng kaya niyang gawin, mabuhay lang siya. Hay.

Masaya ako at bumalik na ang cp ko. Swerte na ako. 'yong iba kasi nasasaksak pa. E ako, walang galos. Hay.

Marami akong natutunan sa araw na ito, pero bago ang lahat, masasabi kong swerte ako. Wala lang. Ienumerate natin.

May mga narealize ako ngayon. Marami na kasing pagsubok ang dinaanan ng Sy Family over these past few weeks. Super. Hay. Malungkot. Malungkot. Magulo.

Narealize ko at naprove ko sa sarili ko na walang FATE. (naalala ko ang previous post ko.) Kung ano ang ginawa mo ngayon, makakaaffect sa life mo later. Hindi naman ibig sabihing bukas mararamdaman mo na and the like pero long term ang epekto niya. Tipong magugulat ka na lang. Naalala ko si Ma'am DLR, life begins at 40. Kasi kung ano ang bisyo mo before you reach 40, drugs, alcohol, sex, lalabas lahat ng epekto nito when you reach 40. Ayun lang.

Ewan ko ba. Gusto kong magbago para at least maganda ang future ko. Eto na naman kasi ako, naguguluhan. Napapaisip ng mga bagay na dapat hindi ko na iniisip. Minsan kasi, hindi mo maiwansang maging philosopher at magphilosophize kapag mag mga bagay na palaging lumilitaw sa mukha mo.

Hay.

Hehe. Sorry sa pagmamayabang sa ilang parts. Pero hay ewan naku WTF etc.

Ayoko na munang magsalita. :| Bukas na ang blind items. My mind needs to rest. Masyado na siyang napagod today. I hope na ito ang worst day of my life. Sana nga. :)

Ay isang blind item muna.

Black and white. Sino ang hottest new couple na ito na hindi bagay? I mean, physically, hindi talaga! Napag-alaman ko na kaya pala palaging wala ang isa na ito sa isang lugar ay dahil pinupuntahan niya ang juggers niya! Clue: 'di sila bagay. :)

BREAKING DAWN MODE NA! Pampawala ng problema! Whee. :)

PS. Kuya Mao, sana natuwa ka sa gift ko. Ang recipe sa Tahong Espesiyal ng Pamilyang Sy. :)


left at 6:21 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.