Wala. Maikli lang ang post na ito. Tungkol sa mga tao, mga bagay bagay. Hay. At isang blind item.
Una muna, ang mga taong ang tingin kay Kat ay mababa at tanga. Nakakaasar kayo. Alam kong masarap asarin si Kat pero haller? Matalino at sensitive si Kat. Please naman huwag niyo namang isipin na manhid ang tao. Siyempre may feelings 'yan. Mabait si Kat pero inaabuso niyo. Kabadtrip. Kapag nalaman ko kung sino 'yon, lagot ka. Respetuhin mo naman si Kat. Mabait lang 'yong tao kaya hindi na minsan nagpapakita ng galit. Pero tandaan natin na kahit mga pasensyosong tao, napupuno din. Lahat may hangganan. Lahat may limitasyon. Ok lang kung joke e, SAMPALIN daw ba? Nanay ka ba ni Kat? Pati nga nanay ni Kat hindi ginagawa 'yan e. Sino ka ba sa buhay ni Kat? Napakaimportante mo ba? Shet talaga. Sana tigilan mo na. Kasi nung nagalit si Kat sa akin, tinigilan ko na siya. Ang jokes at pranks na ginagawa ko sa kanya ay ang mga bagay na hindi makakasakit sa damdamin niya or hindi below the belt. For the last time, sasabihin ko ulit, RESPETO.
Isa pa. Alam kong hindi siya nagbabasa ng blog ko or anything pero kung kilala niyo, please, huwag niyo ng sabihin sa kanya. Hindi ako galit sa taong ito. Mabait siya oo pero simula ng may nangyari sa kanya, nafifeel kong lumalayo na siya sa block. Tapos nung sinabi kong swerte siya sa guro niya, sabi niya sa akin, sana daw suamma ako sa kanila. Sabi niya kasi naghahanda na sila. Haller? Kung maghahanda ka, sana nagspend ka na ng mas maraming time mo sa block kasi baka last mo na 'to. Kung lalayo ka pa, parang sayang ang time na makakapiling mo ang block mo. Madaling maghanap ng bagong kaibigan, pero I think its not yet time. Sana naman hindi niya sinabi 'yon. Feel ko tuloy, ibig sabihin niya, hindi ako makagetover sa block. Hindi sa ganun. mahal ko ang block at sasama ako sa block kahit anong mangyari kung may pagkakataon hinid 'yong lalayo ako at mag-iisip na 'I don't belong here anymore' or something like that. Hirap kasi ng ganun e. Pero kung 'yan ang gusto mo, then go. Medyo nairita lang ako sa narinig ko. Pero hindi ko sinasabing galit ako sa taong ito.
Blind Items(?):
'yan lang muna.
Sige alis na ako. Babush! PE time pa bukas. :D