Oo. Stop. As in tigil.
Tumigil na.
Sorry sa mga matatamaan ko ah. Sasabihin ko muna na hindi ako perfect. Hindi ako ang best classmate niyo or anything. Minsan, wala rin akong modo dahil sa pangaasar ko sa inyo. Nililinaw ko lang. Hindi kasi ako magaling magmalinis.
O siya. Sasabihin ko na.
Kapag may test, iwasan na natin magsabi na "Hindi ako nakapag-aral." o "Wala akong alam." kung nakapag-aral naman talaga. Kasi, sa totoo lang, nakakaasar. Tapos tipong mataas ang grades tapos sasabihing, tsamba lang. Weird. Hindi tsamba 'yon. Pahumble pa kayo e nakapag-aral naman talaga kayo. Sa pagiging "humble" niyo, lalong lumalabas ang, sorry for the word, kayabangan niyo.
So ayun lang. Iwasan na natin ang mga ganyan para hindi na matawag na mayabang, crab or whatever. Nakakaasar lang e.
Huwag niyo ng itanong kung sino. Alam naman ng lahat kung sino ang ganyan at ganito e. Kung ganyan kayo, pakiiwasan para hindi na kayo kaasaran o ibackstab ng mga tao.
Salamat. :)