Walang kwenta. Walang KWENTAAAAAAAAAAAAANG araw. Nagising/ Nanuod ng Rambo 'yong latest) at The Air I Breathe. Pareho namang maganda. As in. 'di ko ineexpect na maganda. Hehe. So ayun. After nun, nagPC saglit. Tumingin tingin. Sumilip silip.
Tinawag ako nila Tita. Magsasauli na raw ng VCD na hiniram sa Video City. Huwag na raw maligo. Nagchange ako ng "used" clothes. Hehe. Pero nagpabango naman ako. Hehe. Namasyal na rin sa SM. Nagpumilit akong magpabili ng sapatos. Sa So! Fab kami bumili. Hehe. Wala na kasing iba pang magandang store. Actually maganda ang quality ng mga sapatos dito. Kaya kung gusto niyo ng flats, dito kayo bumili. Maganda, malambot at matibay. Hehe.
At nawala ang nanay ko. Naadik pala sa kakatingin ng mga VCD. So napilitan kaming bumili ng At World's End at Scary Movie. Nagpupumilit akong magpabili ng Forrest Gump, which is my favorite movie.. Na super gusto kong panuorin dahil super tagal ko na siyang hindi napapanuod. Hay. Ang ganda talaga ng palabas na ito. Super. Romance, drama, comedy at may kaunting action all rolled into one. Hay. Super ganda talaga. :) 'yong Scary Movie, favorite nila Tita, isama mo pa lahat ng movies na ganyan ang genre. Hehe. Favorite ko din naman.
Pag-usapan natin ang movies. Marami akong favorites. The Departed, Smokin' Aces, If Only, Transformers, Spiderman Series, The Prestige, The Guardian, Babel. Marami akong pelikulang nagagandahan. Marami namang napapangitan. Mapili ako. Pero hindi ako nahihilig sa isang genre lang. Adik ako sa movies. Super adik. Kung adik ako, mas adik sina Tita. Wala pa ako, adik na sila. Gusto nilang genre 'yong super comedy, super gory movies and the like. Ganyan. Bata pa lang ako, naimpluwensyahan na ako sa mga horror movies kaya ngayon wala ng epekto sa akin ang super gory movies. Sanay na ako at sanay na kami mangilatis ng mga pangit o magandang patayan, saksakan, puslitan ng dugo etc. Astig 'no? Sobrang dami ko ng napanuod. As in sobra. At halos lahat naaalala ko pa. Hehe. ASTEEEG. Hirap din maging movie addict. Hindi ko mapigilang manuod kapag may bagong movie sa bahay. Hindi ko mapalampas ang ilang mga CD. Waa. Kahit may test, nanunuod pa rin ako. Hay. Kaya mga kids, huwag gumaya sa akin ha! :)
So ayun. Nanghiram pa sila ng 2 CD at napanuod na namin kanina. At ngayong 1.13 am na, may balak pa silang manuod ng Scary Movie. Nocturnal mga tao dito e. Super. Haha. Kaya nga nagagaya ako.
Habang nanunuod ako, may naaalala akong 2 bagay kanina. Isa sa pinapanuod ko, isa sa ginagawa ko habang nanunuod. Sa pinanunuod ko, ang bida ay kamukha ni *toot*. Hehe, Naaalala ko si *toot* nuong napanuod ko ang movie. Mas pangit na version lang 'yong sa pelikula. Haha. Nagpaparamdam si *toot* ah! Isa naman ay kumakain ako ng *ubo* kanina. Naalala ko si *ehem*. Adik kasi si *ehem* sa pagkaing iyon. Haha. Nakikipagagawan pa siya dati dun. Haha. Natatawa ako. Wala lang.
Minsan din nakakalungkot ang ganun. 'yong tipong may naaalala ka. Hehe. Mga dating kaibigan, kaklase na nawalay na sa iyo. Huhu. Nakakamiss sila pero minsan naiisip ko mas masaya naman ako ngayon, so wala lang. Hindi na rin masyado nakakalungkot. Siguro nakakatuwa na lang. Siyempre puro happy memories ang madalas nating maalala kung may naaalala tayong tao. Hay. Wala lang.
O siya. Aaral pa ako ng Physics. First dept sa Monday. I'm gonna die. :(