Tuesday, August 05, 2008

So. Haha. Patay na si Ragi. Ang magiting na palaka na nagsakripisyo ng kanyang buhay para lang may mapag-aralan kami sa bio. Baka multuhin ako nun. Hehe.

Nagstart ang day ng.. hindi masyado maganda. Nagising ako ng 6am. E ang pasok ko ay 7am. Mabagal akong kumilos. Trapik palagi sa Avenida. Gahd. Kawawa naman me. So nagmadali ako. Hindi na kumain ng agahan o uminom man lang ng gatas. Haha. Wala ng time. Ang pinakanakakabadtrip lang dito ay ang fact na absent si Jude. Amp. Naku! Nagmadali pa ako absent lang pala ang magiting kong guro sa physics. Oh well. Kumain ako ng carbo mula sa makel sa physics lab. Buti hindi napansin ni Manong Renato. Hehe. Tapos diretso kami ng library ni Istepibeybs. May test kami kanina sa Biolab kaya kami nag library. E eto naman ako. Antok na antok dahil *toot*. Hehe. Kaya nakatulog ako ng isang oras sa lib.

Pagbaba, dahil may org chem pa kami, ok naman. Sinabi ko sa sarili ko na magrereview ako sa bio. Pero WALA. Nakatulog din ako sa orgchem. Waa. Wala talaga akong kwenta. Tapos ayun. Ok naman ang test. Mee-nee-mee-nee-may-NEMO? lang ao sa test. Hehe. Hula hula ng mga terms na naaalala ko. Haha.

Pansin ko lang, nawawala na talaga ang gana ko sa pag-aaral. Hehe. Pero kapag ginaganahan naman, wala rin. Hindi kasi ako malakas magmemorize. Buti pa si Josh. Huhu. E ako?! Hay. May pornographic memory kasi si Josh. 'yong tipong tititigan niya lang tapos macoconvert sa porn kaya mas madali niyang namememorize. Ayheychoo Josh. Haha.

Tapos, frog mode na kami. Hehe. Bago magfroggie at dahil wala si Mr. Lapuz, nagmagic muna kami. Nagulat ako nung sinabi niyan "Mamaya na 'yang magic. Mamaya na ang mga spell na 'yan. Mga mascians talaga o." Haha. Nakakagulat. Batch pala ni sir nagflourish ang Magic Era. Sa batch daw nila kasi galing 'yon. Haha. Asteeeg. Magaling din kaya si Sir? Haha.

So ayun. Nakakatuwa si Ragi. Siya 'yong ginamit ni Sir sa pagdedemonstrate. Haha. nakakatuwa nung tinutusok tusok ang batok niya. Parang ang sadista ko at ang masokista ni Ragi. Haha. Tapos ayun. Kahit anong tusok at kahit gaano karaming chloroform ang gamitin, 'di talaga siya mapigilan. Kay kulit ng aking Ragi.

May mga times pa nga na tinihaya namin siya tapos sabi ni Claudz "Itusok mo sa butas niya!" Hehe. Ambastos! Rape! Tapos magugulat daw kami kasi pang spray daw 'yong sperm cell niya. HAHA. Natatawa ako. Tapos ayun. Nalaman ko na ang carpus at carpal ay iisa. Haha.

Nung binabalatan na namin siya, ang kulit niya pa rin. Wala na ngang balat ang 3/4 ng buong katawan niya, nagjejerk pa rin siya. Ayon kay Sir, reflex na lang daw 'yon. Pero hindi ako naniniwala. Namatay lang si Ragi noong nilubog na namin sa formalin at nangulubot na siya.

'di ko lubusang maisip. Bakit kaya hindi pinagbabawalan ng PETA ang mga ganitong gawain? Sadistic kaya siya in nature kasi buhay mong binabalatan ang isang kaawa awang palaka. Pero nag-enjoy ako ah! Haha. Nakakatuwa kasi. Sana sa susunod tao naman. In short, makapasa sana ako sa UPmed. Hehe. ASA!

Nga pala. Kaya pala hindi na pumapasok si Mr. Maniquis kasi financially challenged siya. Dalawa kasi ang binagsak niya last year so nawala na si scholarship. Akala ko naman namatay na ang loko. Haha. Pero sayang. Pero ok lang. Haha. Chismax lang naman.

Mga Da Who:

  1. Korni No More. Sino itong taong ito na hindi na nagpapatawa at umiepal sa mga class jokes? Napag-alaman namin na siya ay mahilig ng sumama sa higher years. Nang magsimula ang school year na ito, bigla rin siyang naiba. Magugulat ka talaga sa biglaang transformation. Pangarap niya raw kasi ay humirit ng oks.
  2. Hidden Desire. Sino itong taong ito na kahit hindi niya aminin, may special something talaga siya sa taong itatago natin sa pangalang Sinulid. Si Sinulid at ang taong ito ay laging magkasama. Mahihinuha nating kaibigan lang talaga ang turing ni Sinulid sa taong ito pero kahit itanggi pa niya, halatang may gusto talaga siya kay Sinulid.
  3. PokPokLook.** Sino itong taong ito na mukhang pokpok palagi ang itsura? Sa tuwing makikita mo siya. maaasar ka talaga. The look. Grabe manamit ang taong ito. At ang kanyang kilos ay akmang akma sa kanyang sinusuot. Ang kanyang suot palagi ay mga kita kuyukot styles. :)

**May mga taong pangit pero habang nakikilala mo gumaganda. Wala lang. Marami akong kaibigang nagagandahan ako pero para sa iba, hindi sila ganuon kaganda. Hindi lang siguro sa physical characteristics nakikita ang kagandahan ng isang tao. Kapag napapalapit ka na kasi, siguro nasasanay ka na sa mukha nila at nakikita mo palagi ang ugali nila kaya isinasantabi mo na kung ano ang pangit sa pisikal nilang anyo. Alam mo na kasi ang tunay na pagkatao nila at hindi na kailangan pang pagbasehan ang anyo. May mga tao namang, sige, sabihin na nating maganda, pero habang nakikilala mo, parang naghahanap ka ng pangit sa kanila. Tipong maganda kaso masama ugali kaya sasabihan nating *toot* siya. 'yong ganun. Nahahaluan ng pagkatao ang anyo. Hindi purong pisikal na katangian lang ang nagdidikta kung maganda o pangit ang isang tao. May point sana ako. Hehe.

O siya, magdedeyt na kami ni St. Augustine. Babush!


left at 1:55 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.