Hehe. Wala lang. Kabadtrip pa rin as usual.
Waa. Nalate ako kanina! Hindi ko alam na 7am pala ang klase sa Physics. E 2 meetings na ang hindi ko naatenan. Huhu. Tapos ang chem 18 ko ay nakakaiyak. Hindi ko na talaga kaya ang Biochem. Ang hirap. Gusto kong umiyak na ewan. Hay. Namayani pa rin ang kaplastikan ko.
Isa pa pala, nagdugo si right big toe kanina. As in. Pero wala akong naramdaman. Halaaaaa. Dahil ba nagiging masokista na talaga ako? At sarap na sarap ako kapag kinakagat ko labi ko. Waa. Waa. :|
Natuwa ako kanina kasi may mga taong nakausap ko ng matino. I mean, hindi ako natuwa dahil sumasangayon sila sa akin pero natuwa ako sa fact na tama ang sinasabi nila. Kung kinakailangang kontrahin nila ako, ok lang. Basta. Natutuwa ako sa kanila.
Kausap ko rin si Baby Corn. Hehe. Special guest lang siya ng cornmasters pero super love ko siya. Ansarap niyang kausap at marami siyang words of wisdom. Naks. Hehe. Basta. Natutuwa ako sa kanya. Huhu. Siyempre mahal ko rin ang cornmasters. Iisa ang tinitibok ng aming damdamin. Hala. May ganun na pala! Hehe. Basta. Hehe. Go burnbooooook.
Kung marami akong kinaaasaran ngayon, marami din akong kinagigiliwan bukod kay Baby Corn. Hehe. Basta. Nirerespeto kasi nila ang mga opinion namin. Hindi rin kasi sila pakialamero at echusera/echusero. Badtrip pa rin kasi 'yong iba e.
Tama nga ang sinabi nila, Biochem, magopen forum na tayo. Willing ako. Promise. Kayo ba willing? Hindi labag sa kalooban niyo? Basta. Gusto ko na rin ng harap harapan para wala ng napaparanoid, nagfifeeling etc. Kabadtrip talaga.
Sa mga hindi ko kinakausap, hindi ibig sabihin nun na galit ako sa inyo, baka hindi ko lang kayo napapansin pero may ibang ayoko talagang kausapin. Paranoid din kasi ako. Weird pero totoo. Kaya nga ayoko mahuli sa mgha chismax kasi baka kasama na ako sa mga iyon.
Wala akong taong kinagagalitan ngayon. Badtrip, oo. Kinaiinisan, oo. Kinaaasaran, oo. Pero hindi siya galit kasi naaasar/naiinis lang naman ako sa ikinikilos nila. Hindi naman kami nag-away at nasira ang friendship namin whatsoever. Hindi ko naman din kasi kaclose ang mga kinaaasaran ko. Kausap, oo. Pero friend? Hehe. Basta. Iba kasi ako magdefine ng friend. Baka hindi. Hindi ako mabilis magkaroon ng kaibigan. Hindi rin ako mabilis magturing ng isang tao bilang kaibigan. Basta. Kaya kung may naasar or something man sa akin, ok lang sa akin kasi hindi naman siya kawalan. Ay basta. Hehe. Ansama ko talaga. Hehe.
Oo, tama nga ang nasa thoughts mo! Hindi rin ako kawalan. Hehe. Shellfish kasi ako. Hehe. Made up of calcium carbonate. Makapal ang mukha. Hehe. Natatawa na lang ako.
Ang haba na naman ng post ko. Paksheeeet.
O siya. Kahit walang kwenta ang post ko. Hehe. Sana makapag-aral ako ng maayos sa org chem lab. Tapos, sana masaya ang fieldtrip! Hehe. Aylabcornmasterswithspecialguest. :)
Babush.