Naaasar ako. Peste! Alam niyo bang ang hirap intindihin ng librong University Physics ni Young and Freedman? E kasi ba naman, super complicated. Kaso no choice kasi ang Physics 71 ay para sa kanya lamang. Hindi uubra sina Giancoli at Serway/Faugn sa kanya. How sad. Hina pa naman ng brain ko.
Hehe. Mayroon na rin palang laman si iPod na movie. Manay ko po 2. No choice. 'yon kasi 'yong hiniram namin sa Video City kahapon. Hehe. Kinopya lang ni Tita sa PC. Ika nga niya, mas madaling kopyahin ang gawa sa 'Pinas kesa sa imported. Kaya ayun, natuwa ang loka at kinopya ang Manay Ko Po 2. Gusto ko nga ng The Simpsons e. Oo, gusto ko nun, walang aangal. May mga tao kasing ayaw sa The Simpsons. Hello? Ang ganda ganda kaya 'non! Pero kung sabagay, hindi lahat ng tao gusto ang mga gusto mo. Hay. Pero ang ganda talaga nun. Asteeeg.
Ano pa ba? Ayun. Pasensya sa mga taong tinanggal ko muna sa GM list ko. Wala lang. Hirap kasing maglagay ng tao sa GM list tapos hindi naman sila nakakarelate sa mga pinagsasabi mo. NaOOP lang sila. Kaya mas maganda kung tanggalin na lang. At least, hindi pa sila magagalit or something.
O siya. Mag-aaral na me. Babay!