Kissables ang title kasi naadik ang nanay ko sa Hersheys Kissables. Ang tagal ng nakatambay si kissables sa box at ako lang ata kumakain dahil ayaw daw niya. Ngayong last supot na lang, saka niya natripang kumain at ngayon lang nalaman na masarap pala ito. Weird.
Pero totoo ang mga haka haka. Mas masarap ang kissables kaysa sa MMs. Hehe. Oo. Mas malasa kasi. Haha. Nakakaadik. Kailangan ko pa ng tsokolate. Kahit milo nga pinapapak ko e. Sarap talaga. Whoo. Para akong nasa langit sa tuwing kumakain ako. Haha.
Physics! Wa. Kabobohan. 2 hours lang ako nagreview para sa isang depex! Gahd. Kakaiba talaga ako. Gusto ko ng thrill. Hay. Makapasa sana. Go stock knowledge. Teka ano ba talaga? Stock o stored? Stored o stock? Haha. Whatever. Kung ano man 'yon, 'yon ang ginamit ko sa test kanina. Haha.
After nun, tulog muli sa Chem 18. Kaboring na subject. Walang kwinta. Tapos diricho daw ba sa 2nd floor ng GAB para hanapin ang mga bluckmets nimo. Hehe. Tumambay muna sa GAB203. Nangulit. Nakipagchismisan. Nanggulo. Hay. Peste talaga. After nun, studio pic time!
Haha. Nagpastudio pic kami kasama ang aming mga alaga. :) At ang saya ng shoot. Kaso pakshet, huli na ng malaman kong bukas ang zipper ko sa pic. Like duh. Kung kailan maluwag, as in sobrang luwag ng pants ko, tsaka siya bumukas. Ang pinaka pestest part dito ay BUMUKAS PA HABANG NAGPAPASTUDIO PIC KAMI. Amp. Pero ok lang. Ang cute pa rin naman ng cornmasters, ang aking pinakamamahal na mga tao/nilalang na nakilala sa Biochem. :) Aylabyoguys.
AT PESTE. Bulag na ako. Hindi ko mahanap hanap ang Sisig Republic kanina sa foodcourt kaya sa Paotsin na lang kumain. Anak ng tupang pumatol sa tipaklong, ANLAPIT SA INUUPUAN PALA NAMIN ANG SISIG REPUBLIC. Bulag. Lagbu. Blind. Amp. Kaytanga tanga. Tumatanda na talaga ako.Ganito ba talaga kapag 16 ka na? Huhu.
At bumalik na kami. AT super magic kami. Haha. 12 ata kaming nagmamagic kanina. Isipin mo 'yon tapos labanan. Haha. 12-8. Siyempre kami ang 12. Ako, Josh, Api, May, Vina, Ja. Haha. Asteeeg. Ang OA na nga namin e. At si KATH marunong na! Aayaw ayaw pa. Haha. Si Cristian din nagpapaturo na. Akalain mo rin, si Viv, magaling na. BTW, palakpakan natin si Viv, perfect siya sa Physics. Asteeeg. Buti pa siya. Sana ako kahit kalahati lang ok na. Haha.
Ayun. Tapos photox mode. Hehe. Leche. Buti pa sa Alva. Wala talagang kwenta ang CAS,. :| May grudge?
About tom naman, gumawa lang kami ng dissecting pan. Haha. 'yong pambake na lata tapos nilagyan ng wax na tuwang tuwa ako. At si Tita rin pala. Pinaglaruan namin 'yong wax. As in! Nakakatuwa. Tapos naamaze ako nung binuhos 'yong wax sa pambake thingy. WOW. AS in WOW. Makikita mong pumuputi siya. Tapos, papunta sa gitna. Super amazing talaga! Haha. Gusto ko sanang bidyuhan kaso medyo mahirap. Hehe. Tagal e.
Speaking of bidyo, may bidyo ako ni JC at Yas. Post ko rito kapag may time.
O siya, BIO mode na ako. Please pray for me. Haha. :)