Hay. Whatta day. Feeling ko na naman babagsak ako sa Bio. :( Ewan ko ba. Bobo kasi ako. 'di ko hilig ang pagkakabisa ng mga bagay na hindi naman kailangan sa buhay. Pakialam ko ba kung ang large intestine ko ay six feet long! Huhu. Babagsaaaaak na naman ako. :( Ewan. Hindi talaga ako bilib sa aking sarili. :(
O siya. Kay Kathleen Aquino ko iaalay ang mga 70% ng post na ito. Dapat nung Thursday ko pa siya gagawan kaso may mga ginawa pa ako. :)
Kathleen Christine Estanislao(?) Aquino
Ang kaibigan kong babae na naging kaklase ko noong 4th year hanggang sa matapos ang kursong BIOCHEM. Hehe. Isang mabait at tahamik na tao. Minsan, hindi tahimik. Maingay. Mahilig magpusoy dos. Mahal si FH at ang kanyang Yellow friend. Mahilig sa chismax. Mahilig sa food. Mahilig sa Havs. Hehe. Mahilig sa green jokes. Korni. 18 na. Legal na. Mukhang mabait pero evil din minsan. Kasamahan ko minsan sa mga kagagahan ko. Whee. Lab ko si Kath.
Noong una ko siyang nakilala, akala ko napakaangelic niya. May pagkagreen din siya. Hehe. Tapos may misunderstandings pa nga kami noon. Pero wala na 'yon. Napatawad na ako ni Kath. Hindi ba? Hehe. Sorry ulit. Nasa akin pa nga 'yong email mo na 'yon e. Hindi ko pa nabubura at ayokong burahin. :) Basta. Mabait siya. Maaasahan. Kinokopyahan namin palagi sa Ad. Chem noong fourth year. Asteeeg! Palaging tama ang mga sagot niya. Hehe.
Hindi kami masyado pang close noong fourth year. Close niya sina Gaku, Leahli. E ako sina Lori. So medyo magkaibang mundo pa kami. Pero nung nalaman kong hindi ako nakapagbiochem at nakakuha siya, talagang pinilit ko ang sarili kong magbiochem(nakapasa din kasi agad si Steph, e hinahabol ko 'yon hehe. Labyu steph. :)). Nakapasok din ako ng biochem sa wakas at doon na nagstart ang mga adventures namin ni Kath. :)
Simula first sem, kami kami na ang magkakasama. Palagi ko ngang kasama si Kath kasi super blockmate ko siya noong 1st sem. Hehe. Ansaya! Marami akong nalaman sa kanya. Magaling pala siya magbadminton. IDOL! Hehe. Tapos second sem, lalo kaming naging close, siyempre with Stephmaylabs. E dumating na rin sa buhay niya si FH. Hehe. Ang galing nga e. Hehe. Isipin mo 'yon. Tapos pinagbuklod na kami ng Pusoy Dos. Hehe. Lagi kaming napapagalitan ni Nutty dahil doon. Hehe. Pero oks lang.
Dumating pa nga sa puntong akala ni Nutty, sinisilip namin ang mga tanong sa exam kahit 'di pa namin exam. may grudge ata ang mammary gland na iyon sa amin. Pero ok lang. tapos na naman 'yon e. Tapos ayan. Nagsummer sem. Ok naman. Pero ako hindi. Hehe. Alam na. Haha.
Ngayon, si Kath ang kilala kong cutqueen. Mahilig kasing magcut. Tapos, sa tinagaltagal niya sa Masci, ngayon pa lang siya natutong magmagic. Hehe. Pero magaling siya ah! Haha.
So ayun. Si Kath. Salamt Kathleen sa lahat. Hehe. Sa mga moves mo, sa mga pictures mo, sa mga pagsipsip ko sa mga nutri mo. Salamat. Aylabyu. Kulang ang collge life ko kung wala ka. Naks! Hehe. Kaya nga ginantihan ka namin noong birthday mo. Sana natuwa ka. Aylabyu beybilabs. :)
O ayan. Haha. Wala pa rin pala akong naaaral sa OrgChem. BAGSAKAN na! Hehe.
BTW, may blind item ako for tonight. Isa lang ah. Lumipad na kasi sa isip ko ang iba ko pang blind items e.
Hermaphrodite. Sino ang nilalang na ito na hindi natin malaman kung babae o lalaki? Sa unang tingin, masasabi mong babae siya. Pero ayon sa aking nakalap, magdati siyang girlfriend. Ang tunay niyang kasarian ay hindi ko pa rin maisip. Tomboy nga ba siya o bakla? Madalas mo rin kasi siyang makitang nakikipagharutan sa mga lalaki. Pero sabi nila ang taong ito ay manyak daw?! HUWAAAAT! Magulo. Malandi. Weird.
Babay na! Hehe. :)