
Oo. Tama ang hinala niyo. Badtrip ako kaninang chem lab. Hindi niyo ba napansin na parang 100x kong sinabi ang word na badtrip kanina? Grabe naman kasi kayo, chem lab mates. Ina. Kapeste talaga.
Una sa lahat, sinabi namin ni Istep na huwag guluhin 'yong reagents. Nagkagulo lahat sila after ng lab. Tapos 'yong huwag isaksak 'yong dropper sa loob ng bote, sinaksak niyo pa rin.
'yon din. 'yong sa dropper. Kung hindi pa namin sasabihin, hindi pa kayo magbibigay. Actually ang kaunti lang pala noong mga nagpahiram. Sorry kung nawala 'yong sa inyo. Maraming nabasag last time at iniwan niyo sa amin. Alangan namang itago namin 'yon as remembrance. Isa pa, ang aga niyo umalis tapos maghahanap kayo ng gamit sa amin. Sheeeet. Sana hinintay niyo at kinuha agad.
Lahat tayo nawawalan at nauubusan ng gamit sa lab. Hindi ikaw lang. Hindi ako lang. Hindi maiiwasan 'yon e. Huwag maging makasarili. Grabe. Paspecial kasi 'yong iba. Sheeeet.
Peste. Gusto kong malaman kung sinong group ang naglagay ng watch glass doon sa lalagyanan. Sigaw ako ng sigaw, sigaw kami ng sigaw, walang umaamin na nilagay pala sa lalagyanan. Akala ko kinain niyo na. Kasi nangangain kayo ng wire gauze, iron rings, takip ng reagent. pati watch glass pinatulan. Gusto kong isuksok sa mata niyo 'yong watch glass e. Kabadtrip.
Isa pa 'yon tipong hindi man lang isinasauli sa harap 'yong hiniram tapos umaalis agad. Kung nandun pa kayo, at least hindi na namn kailangan pang sumigaw.. E hanap kami ng hanap. Iniwan lang dun sa working place nila. Tapos kalat kalat pa. UTAAAANG NA LOOOOOB. Peste talaga.
Sa mga tumulong especially Mr. Shuttlecock. Thanks. Kung wala ka, nakapatay na ako ng tao ngayon.
Sana sa susunod na lab, iwasan na natin 'to. Nakakabanas e.
Goodluck at HAVE A NICE NIGHT! :)