Saturday, August 16, 2008

Kung alam niyo lang.

BUKOD sa sobrang hirap ng Chem 31, isa pa ang Chem18. Gahd. Isipin mo dalawang chem 'yon. Plus, Biochem pa ako kaya mataas ang expectations nila.

MagChem18 mode muna tayo. Sir Christopher Jay Robidillo. Ang guro ko sa subject na ito.

Grabe. Ako ang pinakaunang tao na kumuha ng test sa subject na ito. I mean, naunahan ko lahat ng magtetest dahil may conflict sa mga schedule ko. May chem lab kasi ako ng hapon, 5.30-7.30 nung araw na iyon at kinabukasan, ang test ko ng orgchem para sa sunod na batch. So nagpaalam ako kay Sir na maaga ko magtetest noong Thursday. Natatawa pa ako kasi pinipilit niyang mukhang HAMSTER si Nina. Actually, BROWN HAMSTER. Haha. Tapos nag-eemote na HAMSTER pa nga e. Ang kulit niya. E ako naman daw, anong hayop. Tinanong niya ang chinese zodiac ko, sabi ko monkey at hindi kasama sa chinese zodiac ang hamster kaya tinawag niya ulit si Nina na RABBIT. Mali, BROWN RABBIT pala. Haha. Natatawa ako. Ang irog ko pala ay isang rabbit.

Noong nagtest ako nung Friday, 7.30 pa lang nasa tapat na ako ng DPSM. Kasabay ko pa ngang pumasok si Sir e. Tapos pagdating ng 8, 'di na ako nag-aral kasi alam ko parating na siya. Tiktak. 'di siya dumating. Nalaman kong may klase pala siya. 8.15 dumating na siya, kausap niya 'yong PT girl. So chismisan sila. E dumating si Ibo, nag-usap muna kami. Tapos niya na ang breaking dawn! Ayun. Nung natapos na ang pakikipagchismisan ni Sir, pumasok na kami ng DPSM lib. Anlamig pero binuksan ni Sir ang aircon. Tapos iniwan niya ako. Ang LAMIG kaya nakatulog ako. (Hehe, may nabago ba?) Nagising ako nang nakarinig ako ng libron binalibag, nahuli ako ni Sir na natutulog. "Bakit ka natutulog?" tanong niya. Sagot ko naman pampatalino. Hehe.

So ayun, nagsolve ako at SUPER hirap. Sobra talaga. Binalikan niya ulit ako sabay sabing "Ok ba ang test?" Sagot ko naman hindi sabay sabi niyang "Lahat naman tinuro ko, ano ba ang naging pagkukulang ko?" sabay labas. Pagbalik niya sabi niya "Joke!". Haha. Joke time naman. Umalis siya. Haha. Tapos habang naghihintay, naririnig ko ang mga hinaing ng mgaclerk ng DPSM. Narinig ko rin ang NAKAKATAWANG tawa ni Nelson. So bumalik na si Sir with food. Nagoffer siya ng chocolate na binebenta ng BCS, pero I declined, nasa kalagitnaan kasi ako ng pagsosolve. E 'di kumakain na siya, fish ang ulam niya sabay sabing "gusto mong fish Steph? Tara, kain tayo." Haller? Nagtetest ako. nakokonsyus din ako kasi sinisilip niya sagot ko. Huhu.

Trivia: Parang rabbit kumain si Sir. :)

Tapos basta, nakakakonsiyus siya. After niyang sabihing 15 minutes na lang, nanggugulo na siya. Sabi ko kasi ang hirap sagot niya naman "Steph, una pa lang kitang nakita, alam kong may X factor ka." Sagot ko "Sir, baka puro X naman ang sagot ko dito!" at sumagot muli siya "Ok, sige, may CHECK FACTOR ka." Ok. Ang korni. Hehe. Nung 5 minutes na lang, nagkacram na ako. Hula mode na lang. Tapos super trial and error. Sabi ko "Mukhang babagsak na naman ako.." Mahina lang. Pero may sinabi siyang ikinatuwa ko ng sobra. "Gagawin ko ang lahat para makapasa ka." *teary-eyed* GRABE! Muntik na akong maiyak dun. Grabe ang words of endearment ng lola mo! Huhu. 'di talaga siya tulad ni Cris. :)

Nikuha niya na ang test paper ko. Sabi ko huwag munag buklatin kasi nahihiya ako. Sabi niya ok lang. Hay salamat. Hehe. Nakakatuwa talaga. Tapos tinanong niya kung saan ako nagpakulot. Maganda daw kasi. Hehe. Sabi ko sa index lang etc. Kinuwento ko rin ang perm ni Annie na 5k. Sabi niya isang Bruice na 'yon! Tama nga siya. May balak daw siyang magpakulot ng katulad sa akin. Sosyaaaal! Haha Sabay alis na ako sa DPSM.

Nakakatuwa talaga si Sir. Tapos magaling pa magturo. Haha. Ayun.

Diretso ako ng Orgchem. Nagpatalbugan kami ni Sir Villarants. Haha. Mas magaling pa rin ako. HAHA. Pero oks naman. Natuwa ako dun sa ito-ang-mundo joke. Natuwa kasi siya. tapos dun sa Superman. Sabi niya, Mansuper.HAHAHAHA. Super funny...KO. Haha.

Tapos chem lab na kami ang monitor na super daming reagents at kami ulit sa 8b at super daming hiniram sa stockroom at super gulo ng buhay. As usual kami ulit ang nagkaroon ng plus points. Tapos kami ni Kat, kumain pa sa baba at nakita pa ang BOYPREN niya. Hehe. BTW, ankalat nung umalis na ang lahat.

Naadik ako sa canal control. Saan ba makakaDL yun?

Ayan. So pag-uwi ko sa bahay ginawan ko ng secret recipe si Kuya Mao tapos nakatulog. Saglit lang ako nakapag-aral. Sniff.

Next post na ang kasunod. :)


left at 5:20 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.