Malungkot ako ngayon. Sobra. Ay, pasensya pala muna at malakas akong magpost. Wala kasi akong nilalabasan ng mga nadarama ko e.
May mga tao akong namimiss. Sobra. At kilala biyo kung sino kayo. Actually 2 lang sila. Sila ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Sa halos lahat. Kahit sa pinakawalang kwenta, walang sense, super paranoid thoughts ko. At inaabsorb nilang lahat 'yon. Nakakamiss ang mga taong nandiyan palagi para makinig. Nakakamiss.
Nalulungkot ako at malayo na sila sa akin. Malayo na nga, may mga problema pa akong hinaharap ngayon. Andaming pressures. Nakakaiyak na talaga. Sana lagi silang nandiyan sa tabi ko. Kasalukuyan kong kausap ang isa sa kanila at kausap ang isa pa kanina.
Iba sila e. Basta. Iba. Sobrang iba sila. At sobrang namimiss ko sila. Hindi ako natatakot umiyak sa harap nila. Hindi ako natatakot magalit o kung ano man ang nadarama ko, hindi ako natatakot ipakita sa kanila, Matatanggap kasi nila kahit ano pa 'yon.
Sana talaga dumating ang panahon na makita ko ang isa sa kanila. Pero amlabo. Ang sia sa kanila, sana makita ko soon. Dami kasi namin parehong mga exams. Mahirap isabay.
Ang emo ko sa giuro tingnan. Hay. Pero nakakalungkot talaga ang feeling kapag wala sa tabi mo ang mga taong sumosoporta sa iyo ng sobra. Hehe. Salamat sa iba pero kulang. 'yon lang. Hehe.
Basta. Sana makita ko sila. I miss the old days. :(
Pasensya muli sa post. Wala talaga siyang kwenta. :|