Nabura ko first post ko. Pucha. Pucha. Katangahan. Haba pa naman nun.
So medyo iba na 'to sa nauna kong mas magandang post.
Walang kwentang araw. Wala talaga. Kasi nangopya lamang sa Physics. Nagenjoy gamitin ang sensor at 'di masyado type 'yong sa acceleration. Pero 'yong Hulog hulog effect, so fun! :) Haha. Huli pa ako ni Sir na kumakanta ng careless whisper. :|
Natulog lang ako kay Sir Vi. Kabore kasi at inaantok talaga ako. Noong 'di naman ako natutulog, gumagawa naman ako ng para sa bio. Ano ba 'yan. Haha. Tamad tamad ko talaga. :)
Break? NAGMAGIC KAMI! Asteeeg. Galit ata si Ja sa akin. Lagi akong pinapatay. At hindi ako nakapag-aral ng maayos para sa quiz sa bio. Katangahan ko talaga. Haha. At naaadik na ako sa choco mucho. :(
Bio. Dito nangyari ang main event for the day. Haha. So eto naman ako. Pinagdrawing para sa AKWE ng BCS. Hehe. Eto naman ako, uto uto, nagdrawing naman. Cornmasters dinrowing ko at lahat ng idea nila binuhos nila sa akin. So eto naman ako, drawing dito, drawing doon. Hehe. Wala kasi si Sir nasa bio meeting. At si Shuttlecock si master chef kasi siya ang naghiwa ng lahat ng prutas at seeds etc. :D
Ang masayng part ng bio ay noong sa sobrang tuwa nila, pinatayo na nila ako sa harap para magsabi ng kung ano ano tungkol sa aming mga *toot* so natuwa naman sila. Inubos ko lahat ng *toot* namin hanggang sa mga classmates naman ang napansin ko. Dumating sa point na nakasagutan ko na ang pinakakilalang blockmate namin. Tapos nadamay ko family niya. E ako makulit, inulit ko per I don't mean to hurt the dignity of his family. Dignidad niya lang. So ayun. Nagalit ang anak ng tinubuang kutong napulot sa kung saang planeta at binato niya ako. BINATO AKO! Buti naiharang ko ang kamay ko or else. AMP. Hay.
Naalala ko lang noon. Kilala niyo siya. Dahil paranoid siya at chismosa ako, binato niya ako ng salamin. Buti na lang umiwas ako kundi basag ang salamin at sira ng mukha ko. okay naman kami ngayon pero, 'di ba? Nakakaasar talaga.
Back to the present. After nun, hinila na nila ako. Baka kasi lumala pa. At siyempre may isip naman ako kaya tumigil na muna ako at nakipag-usap kay Dibina. Hindi naman ako tanag na pipilitin kong asarin siya at galitin. Ano ba ang mapapala ko dun, aber?
Malipas ang ilang sandali, bumalik na si Sir at simula na ng post lab discussion.Ok naman. Hehe,. Nakatulog ako unfortunately pero hay. Yaan na natin. Natutuwa ako. Inagaw ni Josh ang headnd ko at sinuot niya at pinapilit kong ipasuot sabay kuha ng pics. Ipopost ko sa susunod ang pics. Punta rin kayo sa multiply ni twinsis Steph kasi wala lang. Maraming pics dun. :)
So uwian na. Dumaan muna ako ng rob, at wala na dun ang gusto kong bag. KAILAN BA AKO MAKAKABILI NG BAGONG BAAAG! Sa SM na nga lang ako maghahanap. Sabay bili ng 4 na box ng tissue. Kasalukuyan kasi akong inuuhog. Haha. So ayun naman. Nakasabay ko si Kath sa national. Ayun, bumili pa ako ng eraser kasi mauubos na 'yong binigay ni Josh. :)
Umuwi na ako. Sa aking pag-uwi, napansin ko ang mga batang nagsusulat gamit ang yeso sa kalsada. Naaalala ko ang aking pagkabata. Well, hindi nila ako pinapayagang lumabas kaya sa bahay lang ako naglalaro gamit ang malaking crayola at gumuguhit sa linoleum(tama ba spelling?) namin. Hay.
Hindi ko naranasan ang mga mga bagay bagay na ganyan. Pero masaya na rin ang childhood ko. Kasama kong naglaro ang mga tita ko at mga pinsan kong 10 taon ang agwat sa akin. Masaya ang buhay bata ko. Kumpleto naman kahit papaano. Pero ayun, may mga bagay akong nakalimutang gawin bago ko tuluyang nilisan ang pagkabata. Bata pa rin ako pero hindi na appropriate sa social norms natin ang paglalaro ko ng piko sakalye 'di ba? Hay.
Eto ako ngayon. Kumakain ng saging. Ang sarap. O siya, bukas na lang ang mga blind items. :) Kakalap pa ako ng mga impormasyon.
PS. Wala pa akong isusuot sa AKWE. Gusto ko ng JUMPER.. I want jumper. XD. Ano naman isusuot ko bukas? Hay. Go pigtails! :) Pakyut mode ang bcs people bukas. Haha. :)