Monday, July 28, 2008

Isang makabuluhang araw na naman ang nakalipas. :) Masaya naman kahit papaano.

Nagsimula ang lahat sa physics at ako naman ay nakinig. At as usual, natulog sa chem18 at nasagutan ng maayos ng quiz. At hindi ako pumasok ng bio dahil magkikita kami ni Mommy Katz at ayaw ko sa guro ko.

May bago ng tambayan ang biochem peepz. Ang library. Mali. Ang pagsalampak ng kanilang mga pwet sa library at maglean sa mga bookshelves. Asteeeeg. Natatawa tuloy ako. Hindi namin mapigil ang aming sarili sa pagmamagic kaya napilitan kaming bumaba sa sulok para magmagic. Masaya magmagic. At nakakalap din ako ng chismis, na naman, kay Allen. Sumali rin pala siya sa pagmamagic namin at asteeeg magmagic si Vina dear. Go BEAAANS. Haha.

Tapos nagkita na kami ni Katz. Di rin pala pumasok ng bio si Kathmaybeybilabs. Ayaw nya nga rin kasi. Haha. Nag-usap "panandalian" si Katz at si ex-Daddy pero Daddy ko pa rin. At natuloy na rin ang panunuod ng sine. Nanuod na naman ako ng The Dark Knight. Inaamin ko rin na nakatulog na naman ako sa moviehouseee. Naman naman naman. Pero oks naman. Nagkwentuhan kami saglit ni Mommy Katz then uwi na. Nakasabay ko sa LRT si JT. Namiss ko naman kahit papaano ang kutong lupang iyon. Haha.

A Very Special Love ang title kasi wala lang. Si Katz talaga, ngayon ko lang napagtanto na kamukha niya si Sarah Geronimo. E si Allen kamukha ni John Lloyd. Asteeeeg. Nuod kayo ng pelikula nila.

Sa kababasa ko rin ng blog ni Pasianess, naengganyo akong gumawa na rin ng blind items dahil nabubulag na ako sa dami ng chismis na aking nakakalap. About mascians, upm people, blockmates o baka ikaw! Haha. Basta. Hehe. Nahawa na talaga ako kay PasiasuperHOTHOTHOT. NapakaBI talaga ni Pasiabeybs. So narito na ang ilan sa mga nakolekta kong chismax sa mga nakaraang linggo/araw. Pasensya marami today. Kasi naipon. Haha.

Mga Nakalap na Chismax gamit ang MATALAS kong mata:

  1. Sexy babe. Sino itong churvaloo gerlaloo na ito na dati ay inosente na ngayon ay daring na? Ang kanyang mga pananamit at pagkilos ay biglang naiba dahil lumakas daw ang ihip ng hangin at ang kanyang mga damit ay nahagip. Gamit ang aking mga spy skills, iba na talaga ang porma ng babaeng ito. nagsimula ata ito ng magkaroon na siya ng special someone. Ganoon ba 'yon? Hm.
  2. Juggers. Sino ang pair na ito na dati pang napapabalitang may something pero wala raw pero malagkit ang tingin sa isa't isa? Gamit muli ang aking spy skills, nagkita sila ng minsan para sa isang maliit na bagay lang, in short palusot lang ang dahilan ng kanilang pagkikita. Ang nais talaga nila ay magkausap silang dalawa. Noon pa man daw, noong may jugjug pa ang girl na tawagin nating si Tilapia, ang boy na tatawagin natin si Galunggong ay may gusto na sa kanya. Si Tilapia, ayon sa aking mga sources ay may pagkatwo timer dahil may jug na siya pero may something special sila ni Galunggong. Maging sila na kaya sa hinabahaba ng panahon?
  3. Anak ng Lupa. Sino itong gurong ito na werido talaga ang fashion style? Gamit ang aking matalas na mata, namataan ko siya kanina na nasa side ang ponytail ng buhok, naka panghiphop na tops, capri pants at nakarubber shoes, tila magbebreak dance. Ayon sa aking source, namataan naman niya ang asawa nito na ubod ng pangit daw na akala mo ay agta.
  4. Bad Hair Day. Sino naman ang babaeng ito na lalong nawalan ng ganda noong nagpagupit ng buhok? Noon pa man, hindi na siya ganoon kaganda. Pero naisipan niya siguro na gaganda siya sa pamamagitan ng pagpapagupit ng kanyang buhok. Hindi bagay sa hugis ng kanyang mukha ang bago niyang gupit. Sa pagtitig ko sa kanya, masasabi kong mas maganda siya dati. Pero parang mas confident ata siya ngayon sa kanyang mukha. Isa lang ang masasabi ko. Hindi ako confident.
  5. To be or not to be. Sino naman itong gerlalow na ito na ayaw pa umamin sa lihim na relasyon? Matagal ko na rin namang minamanmanan ang babaeng ito at ang kanyang kinakasamang lalaki. Pero si gerlalow na tatawagin nating Advil ay hindi umaamin sa kanilang nasasabing relasyon. Si boylalow naman na tatawagin nating Dolfenal, ay sunod ng sunod lagi sa kanya. Lagi silang magkasama. Minsan, may nakahuling magkahawak kamay sila. Ano nga ba ang totoo? Sa aming pagtatanong kay Advil kung ano nga ang totoong mayroon, wala siyang masagot kundi kaibigan lang daw. Pero sa tuwing may kasama si Advil na kaibigang lalaki, masama tumingin si Dolfenal sa kasamang lalaki ni Advil. Pagseselos ba ito o nastiff neck lang si Dolfenal?

Haha. 'yan lang muna. Good luck sa inyong mga hangarin sa buhay! Haha. Salamt Katz ulit sa araw na nagkasama muli tayo. Babush! :)


left at 1:34 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.