Wala ng pusoy dos. Pinagalitan kami kanina.
Pero dahil adik kami ng aking ever loving friend na si Steph, tinuruan namin sila magMagic. Oo, tama ang pagkakarinig mo. Magic. Haha. As in 'yong nilalaro sa Masci. :)
Magic. Namiss ko ang larong ito. Super. Kaya ngayon, naaadik na naman ako.Kami. Haha. Naku. Ang top adiktus ay sina Josh, Claudz at Ja. Super nakakaadik magmagic. Ika nga ni Joss, "May ganito pala e, bakit pa nagpupusoy tayo?" Haha. Asteeeg. So ayun. Magic ang bagong kinaaadikan ng block. :)
And I'm happy. Napasa ko ang first dep ng Org Chem. Pasado at pasok sa exemption. Ang saya. Alam niyo bang nakatulog ako ng 3 beses sa test? Hindi na pala bago 'yon. Pero natutuwa talaga ako at nakapasa ako. :) Achievement kumbaga.
Kaso, nagkasakit ako kanina. Kahit ngayon naman e. Super. Nanghina ako. Lalo na sa lab. So natulog lang ako sa sulok. Sila gumawa ng experiment at naka plus 3 kami. Ang saya. Sorry Steph, kath, Mao, Vina. Masakit talaga katawan ko kanina at super sakit ng ulo. Grabe. Hindi ako makapag-ingay kanina. Antamlaytamlayko. Waa.
Ano pa ba? Hm. Wala pala akong test sa math74. HAYNAKO. Sana makuha ko siya next sem. At sana pwedeng AH ang HS 25. Gusto ko iyon. Para 1.25 na agad ako. Mahal ko naman si Devora e. :)
Nagbabasa na rin pala ako ng The Client today. Sana matapos ko na. Kay poor ko na talaga. :| Para matapos ko na ang sandamakmak na babasahin.
O siya, yan lang muna. Sakit na ng katawan ko. Babush!
PS. Pasensya wala pa rin yung pics nung beerday ko. Anak ng tilapiang bilasa, 'di ko pa rin sila naaayos. Sorry talaga.