Panakaw na entry. Sumaglit sa madugong sagupaan ng organic chemistry at gen. chemistry 2. Waa. Nosebleed na ako. Sobra.
Nabasa ko kasi ang blog ni Kath kaya naisipang gumawa ng enty ukol roon.
Tama. Tama. Hindi lahat ng matalino sa paaralan ay nagsusucceed sa life. Minsan, sa sobrang talino, nagiging mapili sa mga oportunidad na inooffer sa kanila. Sa tingin kasi nila sobrang galing na nila at sila na ang pipili ng daan sa buhay na tatahakin nila. Life's a surprise, kaya kapag may inoffer sa iyo, huwag ka ng magdalawang isip pa. Baka magsisisi ka rin sa huli.
Oo, ethnocentric sila. Binibase nila sa sarili nilang kakayahan ang kakayahan ng iba, lalo na sa lebel ng utak nila. Sa katalinuhan. Pero, hindi ba't 'di lang 'yon ang basehan? Hirap talagang makipagsabayan sa mga taong ethnocentric. Marami pang aspeto ang buhay, hindi lang ang pagkakaroon ng matataas na grades.
Si Bill Gates, hindi tapos sa kanyang pag-aaral, pero tingnan mo, siya ang pinakamayaman na tao sa buong mundo. Si George W. Bush, may binagsak na subject nung bata siya, pero ngayon presidente na ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Nasa diskarte 'yan. Hindi sa PURE intelligence. Paano kung matalino ka tapos mahiyain naman? Sayang katalinuhan mo. Mabuti pa ang hindi ganun katalino, pero makapal ang mukha.
Ang aking ina, hindi ganoon katalino pero madiskarte kaya marami na siyang narating na ibang bansa. Ang aking Tita Liza, noong nag-aaral pa sila hindi siya ganoon katalino, pero masipag siya kaya sa lahat ng kanyang mga kabarkada, siya na ang umuunlad ngayon.
Nasa TAO 'yon. Wala 'yon sa katalinuhan. An ang katalinuhan kung hindi ka rin marunong gumamit? Hay.
Wala na akong masabi. Keri natin 'to. :)