
Second post for the day. Promise after nito lalayas na ako sa mukha ng pc.
Nabasa ko ang blog ni Kath kanina. Hay. Napakainsensitive ko talaga. Well. Alam niyo na iyon. Parang palengkera ang bibig. May pagkaburaot. Out of control.
Minsan talaga, hindi ko mapigilan chumismis, magtanong, mamansin. Alam mo 'yon? 'yong isang bagay na sana sa loob loob mo na lang pinag-iisipan, pinagrtatawanan pero imbis na pag-isipan mo, naisisiwalat so ma sangkatauhan? Hay. Talagang minsan mahirapa kong pigilan. Once I started it at parang naengganyo ang tao sa kung ano man ang sinabi ko, go go go na ako not thinking of the consequences. Maiisip ko na lang iyon kapag may nakapagsabi sa akin na tumigil na. Pero minsan 'di pa rin e. Matagal bago ko marealize na mali ako. Matagal. Sobrang tagal.
Iniiwasan ko at times. As in iniisip ko pagbangon ko na sana this day would be different. 'yong parang ang mga ginagawa ko ay taliwas sa nakasanayan ko na at nakasanayan na ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero ayun, kapag nalalapit sa tsismisan or parang nadarama na ng mga tao na iba ako that day, they'll start asking questions. Ok ka lang ba etc etc. So ako naman, back to my old self. Hay. Yan palagi ang nagyayari. Wala ring nagbabago sa akin. Takot maiba ang reputasyon kumbaga.
Hay. Ayun lang. Hirap talaga. Buti yung iba madaling magbago. madaling irenew ang sarili nila. Ako kasi, idaan pa sa sobrang daming counseling, ipapsychoanalyze mo pa kung trip mo, ipakausap sa isang psychologist, may tendency akong sumagot ng iba sa totoo kong naiisip nararamdaman. Kaya ayun. mahirap talaga. Mukhang okay ako pero sa totoo lang pinagmumukha ko lang okay ang sarili ko dahil ginagawa ko ang "normal" behavior ng isang tao. Hindi ko ipnakikita ang flaws ko pero alam ko namang lumalabas din yun. Ay basta. Humahaba na. Baka bigla na lang akong magSocSci rito or magPsychology. Hay.
Inconsistent ang pinagsasabi ko. Random thoughts na naman kasi. magulo talaga ako. Weirdo. At mukhang sumusobra na ang pagiging insenstitive ko. Hay. Mawala na sana nag insensitivity na ito. Baka maipahamak pa ako.
Hay.