(Dapat kahapon pa ito. In short, late post!)
Tralalalalalala. Bago magsimula ang lahat, ang mababasa niyo rito ay pawang katotohanan lamang. Huwag ng magreact bukas sa aking ipapahawag dito. Pasensya kung *ehem* nakakatawa nga ang nangyari sa akin kanina.
Nagsimula ang umaga. Ako ay nangangatog. Ako ay nangangamba. 'di ako sure sa sagot ko sa asignaturang PHYSICS! Ngunit, katulad din ng mga nakaraang araw, buwan, taon, ako ay mahuhuli na sa klase. Nagmadaling mag-ayos. Nagmadaling maligo. Ngunit masyadong makupad maghanap ng babagay na sapatos sa aking damit. Dali dali kong hinugot ang sapatos na matagal ng nakabanban sa gilid at tila'y nabubulok na. Maganda siya sa paa. Malambot pa. :D
Hindi nagtagal nakaratin na ako sa aking destinasyon. Awoo. 'di ako nahuli at nabigyan pa ng pagkakataong makita ang gawa ng aking minamahal na kamag-aral. :D Tama ang aking hinala! Tama ang aking ginawa! At nakipagkwentuhan na ako sa kanila. Kumakalat na pala ang Kikomachine ko! Yebah. Ikalat natin ang kakornihan sa mundo! Haha.
Ayoko ng ikuwento ang itinuro ni JB. (Kung bakit JB, alamin niyo na lang sa akin.) Dumating pala si Ginoong Maniquis na "gagong gupit". Haha. (Sama ko este sama talaga ni Api. Amp.) Ayon sa mga nakasaksi, bumata ng limang taon ang panlabas na anyo ni Ginoong Maniquis. Haha.NATULOG AKO SA CHEM 18 LEC NI SIR ROBI. Bow. Haha. Hindi na yan kagulatgulat. Hindi ko lang talaga naiwasang antukin. Nasa gitna pa ako ng silid aralan ng panahong iyon. At hindi ko kakurso ang mga naroroon. Kahiyahiya siguro ang aking itsura. Buti na lamang hindi tumulo ang laway ko. :D
Nananghalian kami sa Piadina. Nakalimutan ko ang kinain ko. Kasama namin si Ginoong Alexis Villaflor na kung tititigan ay kamukha ni DAVID DIAZ. Mapapansing pareho sila ng istraktura ng mukha. Mapapansin ding lumalaki na ang katawan ni Ginoong Diaz este X. Asteeg, hindi ba? Nagkataong may mga batang nasa unang taon pa lamang, at tinanong si Ginoong X kung siya ba ay nanood ng boksing kahapon. Haha. Alam ninyo na ang sumunod na nangyari.
At bumalik ako sa mainit at naglalagablab na GAB at iniisip ang pang-aasar kay Api dear ng biglang may humiyaw "BROWNOUT! Wala ng klase!" Ako'y natuwa. Ako'y nanabik. At nawala sina Biningbining Macalino at Biningbining Aquino. Nalaman ko na lamang na nasa kwarto na sila ng binuksan ko ang pinto ng GAB102(yata) at napatigil ng ilang segundo. Madilim kaya hindi ko naaninag kaagad ang kanilang presensya sa loob ng kwarto. Dali dali kaming pumasok ang aking oso na si Ginoong Navarro sa loob. At hindi nagturo ang aming guro, bagkus may ipinabasa para sa susunod naming pagkikita.
Wala na akong gagawin sa puntong iyon kaya nagkiller killer na lamang kami at natuluyan ko ang paggaya kay Biningbining Macalino. At sa kadahilanang ayaw ko ng Chem18, sumama ako sa kanilang Hum2 at nalamang ito pala ay isang asignatura kung saan uupo ka lamang hanggang sumakit ang pwet mo. Nagbasa lamang ako ng The Client. At napapansin kong inaantok na ang sambayanang block11. Nainis ako sa kanilang guro na nagbukas ng ilaw at para akong sugo dahil sa akin nakatapat ito. Grabe. Walng kwenta ang klaseng iyon. Dahil sa ako ay antukin, hindi ko naiwasan ang pagkaantok, at sa ilang saglit lamang, tulog na ako. Nagising ako dahil ginising ako ni Biningbining Macalino dahil pinapagising ako ni Vanilla Ice cream na kadiri ang lasa dahil super boring. Dali dali akong umupo ng maayos at nag-ayos ng bag, Tapos na pala ang klase.
Sumabay ako ng uwi kina Andrea, Gumbee at DIBINA. Hindi ko inaasahan na sa pagtapak ko ng aking paa sa isang sahig sa dugtungan ng RH at GAB, mapapatid ako sa mga isang sentimetrong nakataas ng sahig(alam niyo naman kung gaano kapangit ang pagkakadugtong sa RH at GAB), natanggal ang swelas ng sapatos ko. Yeboi. Natanggal. At si Gumbee, tinulungan ako, sa pamamagitan ng PANG-AASAR, PAGTAWA at higit sa lahat, PAGSIGAW(nga ba?) NG " LOOK AT CORDOVA'S FEET" SA HARAP NG MADLANG TAO. I thank you, bow.
Nakauwi rin ako kahit napilitang magjeep papunta sa kanto ng WOW Bakery.
Umuwi. Kumain. Nagbasa ng The Client. Nakatulog. Paggising nakita ko si Tita hawak ang libro sa *toot*. Naasar. Sinisi kay Tita ang kanyang pagka OC. Naasar na naman sa Bio book na matagal ng kinaaasaran. (Alam niyo naman kung bakit. Amp.) Naasar. Natulog. Nagising. At naalalang marami pang gagawin. Haha.
Ayun. Eto ako ngayon, night shift mode na naman. Yak. Babalik na pala ulit si Padi, ag aking iPod. Yey.
PS. Pasensya sa aking mahabang post. Haha. Wala rin pala siyang kwenta.
PS para sa PS. Kath, salamat sa pagbabanggit ng aking neym. Ansaya ko. Harhar. :D