Whoo. Haha. Natapos na rin ang birthday ko. Alam niyo ba na ito ang pinakamasaya kong birthday bash so far? Haha. Super saya ko talaga. :D Haha. Salamat sa lahat ng dumalo.
Stephatuts, Vina, May, Maray, Roxanne, Ja, Api, Andrea, DANETTE THE EXPLORER, shuttlecock, Jamie, Aika, Mao, Claudine, Yanna, Herra, Joshibeybs, Lorena, Ruth, Nikko, Jallen, Stefen, Petut, Roemel, Sarah, Karen, Thea, Ralph. Miguel, Esther, JONAS CURA. Kung wala kayo rito, pakisabi na lamang.
Salamat blockmates sa MONOPOLY. Alam niyo namang antagal ko ng pinagnanasahan iyon. Sobrang saya ako at binilhan niyo ako. PaSoEn SoEn pa kayo diyan. Ang recipe pala ni tahong ay sikret sabi ni ina. :)
Salamat Chicomm sa cake. Favorite ko ang black forest. Super thank you. Mahal na mahal ko talaga kayo. Akala ko 'di kayo makakarating. :] Andrea, sana napasaya kita. Don't be sad na ah. :) Daneydaexploler. :D Haha. Aylabyudaney. :) Gumbee, please, huwag mo na akong kagatin. Yuck yuck yuck ka talaga.
Salamat Ruth(blue), Nikko(green), Jallen(black) and Josha(red) sa pilot tetracolor. Next year rotring na. Sayang 'di nakasama si Pare. Pero at least dumating kayo. Waa. Daddy ang galing mo talaga! AT sa wakas! Naconfirm na rin namin ang chismax. At salamat Jallen sa super HOT HOT HOTness mo. :) (Don't worry Ruthie, macho ka naman e.:D)
Salamat Thea, Sarah and Ralph sa cake. Sayang si Thea at Ralph, hindi nagtagal.
Salamat Petut at nag-abala ka pa sa akin. Alam mo bang matagal ko na ring pinagnanasahan iyon?
Salamat Roemel sa regalo mo. NICE.
Salamat Mileng sa bag. Pinagnanasahan ko rin iyon. Yey!
Salamat Tita at Ayie sa Rubik's. Yey! Nagkaroon na rin ako sa wakas!
Salamat Sir X sa album ni Jason Mraz. Whee. Aylabyu sir. :)
Well bago ang lahat, nagtest muna kami sa org chem at bago magtest nadulas pa ako at tumama yung likod ko sa edge. Hanggang ngayon masakit pa rin. Grabe! Siguro mga 2 minutes pa akong nakahiga bago tuluyang napatayo sa sakit. Haaaay. At 5 na kaming cornmasters! Si Ja ang neophyte ng CM. AylabJA. Somuch. :)
Ayun. Nagdugo utak ko sa test. Sa sobrang hirap, super hula na kami. :( Nakakaiyak nga e. Super. :(( Naiiyak ako. Ayoko na ngang banggitin pa. WAA. :|
Diretso na kami sa bahay. :) Tapos nagjeep pala sina Vina at Joshibeybs dahil sa ayaw nilang pabukas ang aking minamahal na Monopoly sa LRT. Aylabdem talagaaaaaa. Tapos eto namang si Aika, akala ko mayroong period talaga at nangangailangang bumili pa talaga ng napkin sa SM. Yun pala bibili sila ng cake. :) Thanks talaga ah.
Tapos nagulat ako ng bumili si Tita ng beer. I hate beer. I hate alcoholic beverages. At anlakas uminom ni Api dear! Sobra. tapos si Jonas nagwala. Si Miguel super kanta pa. Haha. Super saya talaga. Sumakit lalamunan ko sa kakatawa. :)) At kakasigaw. Haha. Super ganda ng boses ni Api. Waa. Haha. At si Stefen pakantakanta na lang din. Haha.
Ayun. So masaya talaga. Lalo na ang pusoy dos tournament. First time maglaro ni Josh pero naka 1st runner up siya. Si Daddy Nikko naman ang CHAMPION! Asteeeg sila ni Ruth. Naglaban sila. Si Pasia na super HOT HOT HOT lang talaga ang wala. Haha. Loooooser. Joke lang Pasiabeybs. :D Ang galing. Binigyan ko sila ng isang deck (na sana ireregalo ko kay bestfriend noong pasko) with my autograph. Asteeeeeeg. :)
Ano pa ba? Nagmonopoly kami magdamag. Kumain ng kumain. Haha. At 'di kami natulog ni Vina dahil sa monopoly. Badtrip lang me kasi si VINA hindi sinabi sa akin na magoovernight si JOSHIBEYBS. Sana napigilan ko pa siya. :(
Basta. Super saya niya. Hindi ko talaga ineexpect na ganuon kasaya ang magiging birthday bash ko. Haha. The best siya so far. tapos ang mga dumalo ay ang mga minamahal kong blockmates at super dami nila kaya super natuwa ako. Haaaay. Kaysaya ng buhay.
O siya. Try ko namang magupload ng pics. :)
PS. Salamat talaga sa lahat. :)