Wednesday, July 30, 2008

HAY. 'di ako nakapagtest ng first quiz sa SocSci2.

Nakakapagod ang badminton. Patalon talon na lang kami ngayon. At yes! Sa wakas. Wala ng footwork. Nakakapagod ang footwork. Pero ang patalon talon na 'to? Hanep. Sakit din sa binti. Madalas pa naman akong atakihin ng cramps.

At nag one on one na kami ni Sir. Kami, isa isa, versus Sir, my friend. HAHA. 2nd to the last ako, Gumbee kasi e. So ayun. Nahihirapan pa rin ako kasi bago ako tumira, hindi ko maiwasan ang paggalaw ng aking mga kamay. As in, parang mannerism na rin siya. Pero buti na lang natanggal ko na sila. Isa pang weak point ko ay ang shots ko ay puro high clear. Nahihirapan akong magsmash kasi nasa12 o'clock position ako palagi. Dapat 11 para pababa. Kailangan kong mapraktis. May power naman daw ako. Kulang lang sa praktis. O well.

Alam niyo bang 1.40 na ata kami umalis ng courtzone at ang klase ko ay 1pm? Graaaaabeeee. Dumatin kami ng UPm ng 2 something na. LATE na ako. Pero wala na akong magagawa. At nasa harap sina Alex. Ayokong makiepal at maglakad sa aisle ng klase habang nagdidiscuss si Ginoong Taguibs. Nagdesisyon akong pumunta na lang sa Akwe. :D

Ok naman ang Akwe. Nakilala ko na ang buddies ko. Si Ate Jinky, Ate Denise at Roi. Waw. Asteeeg. Pero parang hindi ko naman sila makakausap ng madalas. Alam mo naman ako, medyo mahiyain sa umpisa at baka isipin nung mga 'yong psychotic ako. Weirdo ko kasi.

So. Maraming sumunod sa kiddie attire. As usual, lampayatot na may IDA ang itsura ni Vinatots. Haha. Ansama ko. At ang cute ni Api. Sayang, hindi siya nagjumper. Sina Aika rin ay cute dahil nakasuspenders effect pa sila. Ang aking pinakamamahal na si BS ay nakasuspenders din at ang taas ng bewang. Asteeeg.

Tama na ang kaastigang 'yan. Kumain din ako. *ehem* Hehe. Ok naman ang food. Dapat okay kasi *toot toot toot toot toot*. Ayokong sabihin baka maalala pa. Haha.

Umalis ako ng maaga dahil may kukunin pa ako sa Rob. At umuwi. At natulog.

Gusto kong makapagteleport or patigilin ang mundo.

Gusto kong makapagteleport. Para mabilis akong makakapunta from courtzone to GAB. Kahit once a week lang ako pwede magteleport okay lang. Kasi kanina, kahit pala pumasok ako, walang mangyayari kasi pagpasok daw ni Taguibs nagpaquiz agad. So ayun. Isang magandang kakayahan 'yan, ang pagteteleport (tulad din 'yan sa kakayahang makacreate ng force field hehe). Isipin mo, makakapunta ka sa ninanais mong lugar in a split second! Mas mabilis ka pa sa sound waves kung sakali! ASTEEEG. Maganda siya, convenient kasi. Magagamit mo kahit kailan, 'di ka pa apektado ng nagtataasang pamasahe, bilihin, gasolina etc. Kasi nga, magteteleport ka na lang. Poof! Nasa bahay ka. Poof! Nasa school na! So, hindi rin siya time consuming, actually makakasave ka pa ng time. Kung ang pasok mo ay 7am. Pwede kang gumising ng 6.30, mag-ayos ng katawan at.. Poof! Nasa GAB 107 ka na agad! Asteeeg talaga. Hay.

Gusto ko rin patigilin ang mundo. Medyo may hawig din sila ng pagteteleport. Makakasave ka ng time. At mas marami ka rin pa lang magagawa kapag dito. Pwede kang magnakaw, mangopya haha. Pero maganda rin ito dahil pwede kang mapag-isa. 'yong tipong ikaw lang at ikaw. AT lahat ng tao ay pinagmamasdan mo lang, at patuloy kang nag-iisip kung ano ba dapat ang gagawin mo. Maganda rin ito kapag may exam. Hehe. Magkakaroon ka ng super habang extra time para makapagreview. :D Pero ayun. Kahit ano pa ang isulat ko rito, kahit anong puri pa ang gagawin ko sa powers na ito, walan mabait na ermitanyong magbibigay sa akin nito.

Minsan sa buhay, aasa na lang tayo sa mga milagro o imposibleng bagay tulad nito. Pero kahit ano pang gawin natin, nasa mga kamay natin ang kapalaran natin. Walang "fate" sa buhay. Walang nakatakda para sa atin. Ang gagawin natin ngayon ay makakaapekto sa mga mangyayari bukas, at ang mangyayari bukas ay hindi sorpresa kundi ang kinalabasan lang ng ating desisyon kahapon. Parang cause and effect lang ang mga nangyayari sa buhay. So, huwag na tayong umasa pa na an bukas ay mas maganda sa kahapon. Ang bukas kasi ay open at ang sarado ay close. I thank you, bow. Pero seryoso ako, hehe.

Think before you act. :)


left at 4:53 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.