Thursday, July 31, 2008

Floooooooood ang title kasi may baha sa Taft kanina. Yak.

Simulan natin ang post ko sa isang magandang panimula. Medyo boring ang umaga ko. Nagtest lang kami sa Physics at walang hiyang tupang bading, nakatulog na naman ako. Piste talaga. Pero oks naman ang test. Keri pa naman.

Chem18. AYAW NILANG PUMASOK NG CHEM! Alam niyo bang kami lang ni Andrian ang pumasok kanina? Badtrip talaga. Buti nagpaexercise lang si Sir Robidudski.

Nagtake sila ng Mathlab test kanina. Akala ko naman, 10 sila nagstart. Naghintay ako hanggang 12. Wala pa rin. Nagexercise muna. Mula CAS, naglakad papuntang OUR, tapos bumalik. Pagbalik, nakita ko sina Ruth. Sumama muna. Tumambay sa Pillars. Nakipagchismisan.

NAKOW! Andami kong nalamang chismax. Haha. Walang hiya talaga ako. Me so happy. Me know many gossip. Haha. Amputa. Natuwa ako sa mga nalaman ko. At siyempre angchismis din ako. Ambait ko nga raw according ke daddy Nikkow. Haha. Natatawa talaga ako. Umabot na ng 1pm ng makita ko si Inno na naglalakad sa ulan. tapos na pala ang test at nawawala sina Steph. Bigla na lang silang bumulaga sa akin. Like duh. Cornmasters ang dumating. Siyempre kasama si API. At remember, nasa Pillars kami kaya nandun si Quindoy. At nagkita na rin sila. Haha. Aylabit. Galit na galit si Api sa akin. Haha. Paluin daw ba ako ng TC7! Anlaki laki noon! Pero ayos ah. Mukhang nahiya si Quindoy kay Api. Soooo. Alam na ng buong block nila ang ishu according sa kambal na nagkahiwalay. Maitim lang si Api at mas mataba. Pero magkamukha talaga. 'di ba Nikko? Haha.

Tapos nagmagic lang kami sa sulok ng GAB. Haha. Nako. HINDI AKO 'YONG UMUTOT KANINA. Hehe. baka sabihin niyo tumanggi ako. Alam niyo naman ako. Kapag umutot ako, sasabihin ko. Hindi ko ikinahihiya ang pag-utot. Ang pag-utot ay normal lang sa isang tao. Kaya kapag umutot ang katabi mo, huwag ng magreklamo. Pabayaan na. Takpan na lamang ang iyong ilong at huminga sa bibig. Hehe. At hinintay namin mag2.30.

At as usual, kapag nakahawak ako ng cam, nagpipicture ako. Parang paparazzi lang. Hehe. At ubos ang memory ng cam ni Neeena. Haha. Pero ayos. Ako ang stylist ni Joshibeybs at nagpicturan kami. At ang cute niya! Gamit ang headband ko, nagpakagirly girly siya. Pakitingin na lang sa mga album ko. Haha.

Pagpasok sa loob ng classroom. Go go go! Another photo shoot, this time with Mao. As usual, kay landi ng pose nila. pakicheck na rin ang multips ni Macalino baby. Marami siyang gerlaloo pics. :) At biglang dumating si Ma'am. Class na naman.

As usual, tulog na naman ako. Pero nagising ako nung nagtatawanan sila. May dalang skeleton si Ma'am na super cute na gusto kong nakawin! Waa. Regaluhan niyo ako nun! Super cute talaga. At after ng class, photox mode kami ni Alex. Sa batcave.

Naroroon na naman sina Ruth, Nikko, Pasia, Josha at Gemy(?). So pinakilala ko si Neeena dahil biglang dumating. So ayun. Sabi ko kamukha siya ni Chanda Romero. At agree naman si Pasiabeybs at Daddy Nikko. Asteeeg. Sabi ko na nga ba e. Haha.

Nagpupusoy sila kanina. Wala lang. Naisip ko lang na ang buhay ay parang PUSOY DOS. Hindi mo alam kung anong cards ang makukuha mo at kapag natanggap mo na ang set of cards mo, nasa sa iyo na ang diskarte kung paano ito lalaruin para manalo sa laro ng buhay. (Makagawa nga ng separate post ukol dito.)

At umakyat kami para isauli ang pinaphotox. Paglabas namin, BAHA sa Taft. Nakaflats si Alex kaya sumugod kami sa Rob. Bumili siya ng banana peel. Pero napagalaman din naming sale sa rob. AT GUSTO KONG BUMILI NG SHOES LALO NA SA CELINE. Haha. 2 for 399 kasi. :) At kung saan saan pa kami nagtungo. Nagdesisyon kaming hintayin sina Andrea pero wala. Nauna rin sila. Sayang lang paghihintay namin.

Sumugod kami sa baha sa P. Gil. Baha din pala dun. May mga mamang tulayero na nandun. Nanghihingi ng barya kapalit ng pagtawid namin gamit ang tulay na gawa nila. Nakatawid naman kami ni Alex at nakasakay agad ng LRT. Nakauwi na rin.

Hay. Buhay. Buti ang swerte namin ngayon. Wala lang.

WAA. 'di ko alam kung paano tatapusin ang super habang post na ito. Kaya babush na lang! Gagawa pa me ng schematic. :)

PS. Si chorba pala ay nachorba na!


left at 2:48 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.