Haha. Wala lang. Para naman magcomment si Faye maylabs sa akin. :))
Bago ang lahat. Natuwa ako sa fact na kahit antamad tamad ko mag-aral, naabot ko ang exemption grade, which is 70% in Bio. Haha. Sabi ko nga kay Api, huwag na lang mag-aral, gumaya sa akin para naman pumasa siya. Unfortunately, kahit super aral siya kasi, he didn't make it. Sa susunod Api, tataasan pa natin.
Isa pa pala, habang tumatakbo si Sir X sa klase niya na kinabibilangan nila Ruthie, pinasabi ko kasy Sir na iremind sina Ruthie dun sa regalo kong album ni Jason Mraz. Aba naman si Sir! Inako! Siya na raw bibili ng gift na iyon. Ibang gift na lang daw ang ipabili ko sa comsci people. Waa. Asteeeg. mahal ko talaga si DAVID. Haha. Plus buko pandam pa and kor noodles.
So ayun. Walang kwentang araw. Wala dahil natulog lang ako sa chem18 at hay, as usual, 'di ko feel ang Bio. So wala talagang kwenta araw ko ng biglang nakita ko si FAYE at sinigawan niya ako ng happy birthday.
Si Faye ang nagbigay liwanag sa walang kwenta kong araw. :)
Si Faye. Nakilala ko sa CWTS. Parehas kaming OB. Kasama rin namin si Bb. Jennifer Ong at Bb. Vina VARINA Zaldua sa OB section. Ilang linggo rin kaming nagsulat dun ng mga pangalan ng taong may myoma, buntis etc. Si Bb. Ong ay minsanan ko lamang makita ngunit si faye ay palagi. Duon kami nagkakilala.
(Andrama no.) Ayun, lagi namin siyang kasama ni Vina. Inaasar ko siya palagi kay WRAPPI. Haha. At naaasar siya. Tinetext ko siya palagi lalo na kapag unli ako tapos nagrereply siya kahit di siya unli. At sinabi niya sa akin noon, "Ikaw lang ba may karapatang mag-unli?" dahil nagulat ako isang araw dahil nagtext siya. :))
Kinuha ko YM id niya at lagi ko siyang kinukulit sa YM lalo na kapag nagkacram na siya. At ako rin nangungulit rin siya minsan. Lagi ko rin siyang kinukulit kapag nakikita ko siya sa school. Kalabteam este kalabpartner ni raw ang pinakaGWAPONG lalaki sa balat ng DPSM na si Ginoong Jallen (Gasgas na kasi apelyido niya.).Naniniwala din si Faye sa mga sinasabi ni Ginoong Jallen tungkol sa mga bagay bagay. Hindi sila tao, hindi rin hayop. Bagay sila 'no? Haha. Wag pala. Nasisira ang dignidad ni Faye.
Ayan. Si Faye pala ay magaling magdrawing(Binigyan niya ako ng artwork niya kanina..) At ako ngayo'y nahuhumaling sa kanyang SKILL. Nakakaadik, nakakasabik. :)
Kapag nahanap ko ang hahanapin ko para sa iyo, isesend ko agad.
Iyan si Fidelis Juinio, lose kami. Layo ng PEY sa Fidelis no? Sana Fi na lang as in ang pagbigkas ay as is. Or Fifi. Pwede ring Fay. Pwede ring Deli. Or Lisa? Or lissi. Or marami e. Haha.
Faye. Hihintayin ko ang panali sa buhok ni Wrappi.
Wala na akong maisulat. Tungkol nga kay Faye ang entry na 'to theba? Haha.
Baboosh na. Aral pa ako ng Org Chem. :)
PS.
Aylabyu Fifi. :)