Monday, July 14, 2008

Eto na naman ako. Gagawa ng entry na puno ng walng katuturan at puro chismis at kasiraan ng ibang tao. Pasensya na. :|

Walanghiyang Bio10 'yon. Kung ano ano pang pinagrereview ko, super broad nung test at wala duon lahat ng minemorize ko. Ayaw kong sabihing madali pero mas madali siya sa iniisip kong test. Mas madali nga siguro ang Bio pero ok na ang Biochem para sa akin. Kahit sa tuwing nageexam ako ng chem subjects natutuyot ang laman ng utak ko. Haha. At least enjoy naman ako kahit papaano.

Roxy babes. Hay. mukhang naasar ko siya kanina. Uber kulit ko kasi. Alam niyo naman ako. E nagrerebyu ang Roxy babes ko. Naasar tuloy. Hay. At may mga nakalap akong balita kanina. Kaso personal kaya ayokong ipost. Pero nakakatuwa. Nakakarelate ako. :)

Kay weirdo talaga ng Bio. Ewan ko ba roon. Natatakot naman ako sa para bukas. Kasi Move Test. First time kong gumalaw sa isang test. Mukhang nakakakaba siya. Tipong 2 minutes lang per question. 'di na naman carry ng makitid at maliit kong utak 'yon. Pero sana palaring pumasa. Hay. Kinakabahan na talaga ako. Ngayon pa lang.

Natatawa ako kanina. Nasa caf kami. Tapos umulan ng malakas. So ayun, bwoooosh, sabi nung hangin. Tapos nagprotesta kami at nagsigawan, "Brownout, BROWNOUT". Kapag kasi nagbrownout sa GAB, super dilim. Super dilim = WALANG TEST. So ang ingay namin. Ako si JAJnninekanin, Herrapalengkera, Apisalapi, Stephaniemaytigyawatangmani, Kathleenanlene, Joshiebeybs, RoxysexyGUMBEE, at Moikeltricycle. So ayun. Haha. Maya maya, basa na paa ko. Ika ni Herra. "Basa na paa ko!" Sabay sigaw kong "BINABAHA na TAYO!" Tawanan to the max kami sabay sa panonood ng mga lamesa at silyang hinahangin sa caf kung saan lahat ng tao ay tumunganga panandalian upang mapanuod ang kahindik hindik na pangyayaring ito. Haha. Lumipat kami sa lob ng GAB lobby kung saan may nakita kaming 6-inches long na hotdog at duon nagsiupuan. Napansin ko rin na sobrang OILY na rin ng mukha ni Joshiebeybs. Ok lang yan. Kyut naman siya e. At lahat ng tao mas kyut sa kanya.

Dumatin din sina Jesteen na kamukha ni Cogie Domingo na nagmutate ng dalwang beses, si Bathalang Spicy at si CHANDA ROMERO. Haha. Nag-ingay. Nakita si Mr, Neozep na nakasuot ng UP jacket na mukhang naggagaling sa ilalim ng lupa ang boses. Haha. Ansama ko na talaga.

Bio na at nagtest sila at ako ay natulog sa test as usual. Hindi na talaga mapigilan e. At ritual ko na 'yon para pumasa. :D Asteeeeeg. Tapos ayun. Wala talagang kwenta ang BIO. Para sa akin ah. Opinion ko to. Walang kokontra. Ang kumontra kamukha ni BJ. :D

Ang Chem 18 pa pala. Akala kom kasi ako lag ang bumagsak sa hinayupak na subject na iyan. Hindi lang pala ako. AT mukhang mas mataas na makukuha ko this sem. Sana nga. Hindi ako nagmamayabang. Inulit ko lang kasi akaya alam ko na ang pasikotsikot ng Chem18. *Kasalukuyang nakikinig ng You and I Both at kasalukuyan ding minamahal si Jason Mraz* Hay. Sana naman mataas na makuha ko para, wala lang, Inulit ko na nga singko pa. Napakakadiri ko naman 'yon. Sana ayos ang resulta bukas.

BTW, haaaay. Ewan ko ba. Nakiepal ako kasi kanina sa Math74 class nila. Eto na naman ako. Namimiss ko ang math, kasi sa math nageenjoy ako. 'di man nakakauno at least naeenjoy ko ang asignaturang iyon. HAAAY. Nakakamiss ang Math. Buhay 1st sem ko ay parang patay. Walang buhay dahil walang math.

Yak. Kung ano anong pinagsasabi ko. Dapat 'Random Thoughts' ang title ko. AY. Kanina ko lang nalaman na wala na sa UPM si Allister. Antanga ko talaga. Ang huli ko na sa balita. Hay.

Babay na. Sa susunod na lang muli. Lab test bukas sa bio. Labyuol. :)


left at 1:55 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.