Ayan. Di pa rin ako enrolled. Walangyang OCS! Nasiraan ng pesteng printer. E may bio kanina, so di ko nakuha form 5 ko. Amp.
Ano na ba nangyayari sa akin? Hm. Mondaaay. Let me think. Ayun. Nakasama ko si Sally sa chem18. Napakamahiyain ni Jetin! Grabe siya, di siya tumabi sa akin. Buti nandun si Sally at siya ang katabi ko. :) Natutuwa ako kay Sir Robi. Mahina boses niya, pero magaling magturo. Medyo nakakaantok rin pala siya. Di ba this sem pa lang magcacalculus ang bio? Ayun, nagturo ba naman ng integrals and derivatives si Sir! Awww. I miss math. Alam niyo namang yun ang favorite subject ko at hindi chem o kung ano man. Ayaw lang sa akin ni math kaya mababa grades ko. Pero mula bata ako, mahal ko na ang math! Enough of that. Masyado ko ng sinasamba ang math!
Di ko man lang nakilala si Sir Baclig. Alam niyo bang di kami pumasok sa Physics makakuha lang ng EPN form? Tapos walangya, ngayon kami pinapunta ng cybernook. Waa. :(
Tapos bio. Nasa book lahat ng tinuturo. Ehem.
Wala na akong makwento about the "monday" incident. :D
Ay, mahal na mahal ko si Roxy. Ngunit ayaw niyang tanggapin na mahal ko siya! YOY! :( Haha.
Tuesday. Nagyon. AS in now. Wa. Si Sir Agsalon kilala ako. huhu. Kasalanan ni Sir Domingo. Huhu. Madami ng nakakakilala sa akin from DPSM. Huhu. Natatakot ako. Lalo na kay Sir Mong na kung ano ano tsinitsismis sa akin. Haha. Peace! Mahal ko naman si Sir Mong kahit papaano. Magaling siya magturo, OO! Magaling! Hehe. At siyempre si Sir X na nagbigay ng Kor noodols sa akin. Labyu Sir! Whoo. Miss ko na rin pala si ma'am Rubio. Haha. Hay. Bu. Hay. Ano pa ba? Haaam.
Nakakaantok si Sir Villarante. At ang korni niya! Pero in fairness natututo ako sa bago kong Ama. Yey. Asteeeg, k? Haha. Magaling magturo. Kaso may mga minutong inaantok ako sa klase niya. Pwede niyong masilip notes ko for proof, just call or text me. Naks. O siya. Tapos nagKORNING joke na naan siya na tinapatan ko na tinapatan niya rin. Haha.
Bio. Huhu. Ang ingay namin ni Katkat. Mukhang nagalit si Sir sa amin. Ang seryoso niya pa. huhu. Pero saya ng bio, pero mas masaya ang chem lab. Ewan ko ba. Medyo bored ako sa bio lab e. Isa yung dahilan kung bakit hindi ako nagbio.
KATKAT. Uy, sorry niloloko ka naming TAE. Huhu. Sama kasi ni Mao at ni Master Paeng. Wag kang magreklamo Api, ikaw si Master Paeng. :D Waa. Sorrrrry. Hehe. Kaw kasi e. Anlaki talaga ng cards ko! :)) Joke. Wag na yu galit sa akin. Yu na lang galit kay Mao and Paeng. :D Aylabyoooow.
Haha. Naalala ko lang si Sir Tabin. Rockyroad. :))
That's all for now. Mukhang ang haba na nga e. :D
Labyuwol.