Tuesday, June 24, 2008

Maraming beses ko na silang naririnig. Sana dapat ganyan, sana dapat ganito. Sana dapat mayaman na tayo. Di ko maiwasang isipin na napakaraming maling desisyon ang nagawa nila. Sana di mangyari sa akin ang mga iyon.

"Panapanahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon…"

Maling mga halimbawa. Nagresulta sa pagkatakot. Pagkamahiyain. Natakot sa mga bagay na sana'y hinarap para sa mas magandang bukas. Ngunit lahat ng ito'y nasa nakaraan lang. Di na natin maibabalik pa. Sana ginawa nila ang nararapat ngunit hindi. Nanguna ang kanilang pagkatakot. Iba na sana ang buhay namin ngayon.

"Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?"

May mga bagay na lumisan na. Na hindi na babalik pa. Sila ay binago na ng panahon. Kay hirap talagang balikan ang mga bagay na nawalay na sa atin. Mga bagay na sana'y tinuwid na natin noon. Mga bagay na sana'y nakapagpasaya sa atin kaysa sa takot na una nating naranasan ukol rito. Mga bagay na sana'y di na lang tinalikuran pa.

"Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?"

Nagbalik ang mga alaala. Palagi na silang nagbabalik ngayong nagkaisip na sila. Kung kailan nakatayo na sila sa sarili nilang paa. Ngayong hindi na sila takot. Nagbabalik upang pagsisihan nila ang lahat. Na sana ay noon pa man ipinaglaban na nila ang kanilang karapatan. Ang kanilang kagustuhan. Na ipaglaban ang lahat ng bagay na mahalaga para sa kanila. Ngunit, kahit anong mangyari, hindi na natin maibabalik pa ang kahapon.

"Panapanahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon…"

Ang pagkatakot. Yan ang tema ng ilang dekadang nasira. Ang pagkatakot. Yan ang tema ng isang pamilyang nagsisisi at gustong balikan ang nakaraan. Ang pagkatakot. Yan ang tema ng isang taong hindi nakayang ipagtanggol ang kanyang pangarap. Ang pagkatakot. Yan ang tema ng buhay na nasira na.

Sira man, unti unti namang bumabangon. Umuunlad. Ngunit napapaisip din na kung hindi sila naunahan ng takot, sana'y mas matiwasay na ang buhay nila. Mas masaya. Mas maginhawa. Mas perpekto.


left at 2:53 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.