Hay. Minsan nakakainis kapag may nagtag sa'yo. Para walang problema, wala akong itatag. Naku. Pagbibigyan ko lang si Kath. Hehe. (paturo ng 4x4x4 ah! :D tangengots kasi ako e.)
My mission is to:
Post 10 things which would give you extreme happiness. Then tag 12 people and oblige them to post this in their blogs.
1. Passing grades. Kasi feeling ng mga tao sa bahay, sobrang galing ko. Well, sorry hindi. Di ako matalino. Average student lang ako, walang iba. Oo, seryoso. Wala akong pinagkaiba sa ibang tao. Simple lang ako at korni. Hindi espesyal ang pag-uutak. Kaya masaya na ako kapag napasa ko ang isang subject, kahit 3 pa ang grade ko. Unfortunately, *ehem*.
2. Panonood ng TV/Movie. Ewan ko ba kung bakit nasisiyahan ako sa panonood ng mga kung ano ano. Andami kong movies na alam. Adik nga e. Pero masaya ako sa panunood. Hehe. Ewan. Parang tumatakas ako sa mundo at pumupunta sa nyekok. Joke!
3. Pagbabasa. Oo, mahilig akong magbasa pero isa rin itong pagtakas sa masalimuot na mundo ng realidad. Masarap magbasa lalo na kapag hindi tungkol sa acads ang binabasa. Haha. :D
4. Kapag *ehem* nasusunod gusto ko. Ewan ko ba. Gusto ko kasi ako palagi nasusunod. At natutuwa ako kapag ganun. Sensya sa isang 'to. Medyo makasarili talaga ako. Well. Ewan. Ganoon ata talaga e.
5. Pamilya ko. Bwahaha. Ewan ko. Makukuli sila at mukhang ewan at times pero ayos sila. Sumusunod sila sa akin. Joke! Laging masungit pero ayos naman. Naiintindihan naman nila lahat. Hay. Sarap makipagdebate sa kanila. Sarap makipagsigawan. Sarap kumanta kasama sila, ng kung ano anong kantang gawa lang namin. At sumayaw ng mukhang ewan na sayaw. Mukha kaming baliw, but, who cares? Haha. Saya talaga.
6. Kaibigan. Hay. Ang makukulit kong kaibigan. Pero mas makulit ako. Bwahaha. Mas korni. Natatanggap nila every korni joke ko. Bwahaha. Pero minsan pag seryoso na, seryoso na rin sila. Sarap din kausap. Parang pamilya na rin. Nakikinig sila at alam mong naiintindihan ka nila. Hehe. Whee.
7. Money. Yak. Materialistic talaga ako. At mukhang pera. Ew. EWWWWW. Bwahaha. Natatawa ako. Pero natutuwa talaga ako sa pera. Alam kong di ko to madadala kapag namatay ako. Pero masaya ako rito. Gusto ko ng maraming pera. Yihee. Sensya, pero masaya ako kapag marami akong pera.
8. PC. Mahal ko PC ko. Ewan ko ba. Kung wala nito. Wala na ako. Materialistic ko talaga. Ew. Pero ewan. Feel ko necessity 'to and all. Ayun. So kailangan ko ng PC at kailangan ko nung bago. *evil laugh*
9. Pagkain. Naku. Sige ha! Wag kang kumain. Like duh. Well, lahat ng tao kailangang kumain. No need to explain.
10. Umunlad ang sambayanang Pilipinas. Grabe. And everything will follow. Again, 'di na kailangan iexplain.
Hehe. Weirdo ko talaga no? Pasensya.