Yipee. Enrolled na rin ako sa wakas. Yey! :) Mahal ko talaga si Sir Li. :) Kung 'di siya ang adviser ko, bukas pa siguro ako makakapagenroll. Ang saya!
Napabili na naman si Steph ng libro sa BookSale. Nakakaadik talaga ang BookSale. Nahawa na 'ata namin si Alex na bumili ng Rule of Four at Message in a Bottle na hardbound kanina. At ako bumili rin ng librong mukhang maganda sa halagang 15php.
Wala ring SocSci kanina. Yeeeeey! Me so happy! Nakakatuwang makipag kwentuhan about books, fairy tales and stories kina Alex and Annie. Waa. Andami ko ng babasahing libro.. :(
Andami ko ng biniling libro. As in. Pero mura lang lahat sila. Kailangan kong matapos in 2 days ang The Good Wife Strikes Back. At mukhang marami akong maipopost na reviews ngayon sa sobrang dami ng babasahin ko.
Ayun, nagenroll na rin pala ang FH ni Kath. Haha. Fucking Human este Future Husband. Nako, magkasing haba na kami ng hair. Haha. Ayii, si Kath masaya na naman. :D
Ano pa ba? Kailangan mabasa ko na ang Eclipse. Wala lang. Huhu. Ang ganda ng Twilight sagaaaa. :( Ang ganda ganda. Hehe. Naku, tama si Steph, kung kailan super dami at hirap ng mga subjects, dun kami nagbabasa ng mga ganito. Hay. Kay weird ng buhay.
Sige, sa susunod muli. Babay. Ingat! :)