Buhay Yelo. Yan ang ginawa ko simula Friday. Natulog ng natulog habang nagpapalamig magdamag. Yey. Pero wala pa akong naaaccomplish. Pakshet.
So. Malamig ngayon. Ang sarap, as in super duper sarap matulog. Sana matulog na lang ako forever. :D Pero wala namang mangyayari sa akin kung puro ganoon ang gagawin ko. Mahirap na. Tsk.
Hm. Baha sa Tayuman. As in. Walang pumapasadang jeep. Ugh. So paano ako pupunta sa church? Luluson sa hanggang tuhod na baha. Actually kanina pang umaga ang hanggang tuhod na yan. E hindi pa tumitigil ang ulan. So hanggang baywang sa siya ngayon. Waa. Huhu. Hay buhay.
Nagbabasa ako nung Grimms' Fairy Tales. Andaming walang kwenta. At andaming maganda rin. Matatapos ko na siya. Haha. Inuna ko pa yun kaysa sa school work? Tamad ko talaga.
Schoolwork. Eto ako, di pa rin tapos ang biolab manual na unang una kong ginawa sa lahat ng schoolwork. Nandun na ako sa part na didiinan na nag mga pencil marks to make it carker plus shadings. Pinagiisipan ko pa kung kukulayan ko. :D
May test sa Physics bukas. At wala pa akong naaaral. Sana talaga walang pasok bukas. Tapos wala pa akong naaaral sa NOMENCLATURE! Argh. Ang naaalala ko lang ay ang mga Alkanes. Ang pooooor ko talaga. Plus andami pang problema like the SSP/PE problem. Gahd. Sa Quirino extension pala yun. Baaaadtrip. Mala Supergirl na ako ng Quirino-Faura. Whoosh. Pumayat sana ako dun.
So, may ilang din issues na di ko pa rin maresolba. Huhu. Poor ko talaga. Hay. At sa karamihan ng nababasa kong blog, puro wikang banyaga. Wala silang pagpapahalaga sa wikang Filipino! Hay. Hehe. Palusot ko lang yan. ALam niyo namang bugok ako sa ingles kaya di ako nagiingles sa mga blog ko. Baka mali mali grammar or something. *ngisi*
Malapit na bertdey ko. Medyo lang pala. At medyo naguguluhan ako. UPm o masci? Huhu. Bahala na si Supergirl. Teka, teka, ako si Supergirl e! Huhu. Waa. Bahala na ang Diyos maykapal sa lahat ng mangyayari. Amp na buhay ito.
Nakakatamad pang mag-aral ng Chem18! Gaaahd. Nakakaasar na. Yung tipong ayaw mo na kasi alam mong "alam" mo na. Pero pagdating sa test di mo pala alam. Yung ganun. Amp na buhay tooooo.
Sana walang pasok bukas. Magrerejoice ako! Oo, pangit na kasi head and shoulders sa akin. Kaya magrerejoice ako! Yuhu.
5.53pm na sa pc kong lokbu. At isa pa lang, teka, di ko pa nga tapos e, 3/4 pa lang ang naagagawa ko. Hay. Magawa ko sana lahat!
Sa susunod muli.
With all due respect, Kordoba.
PS.
1. Kath, sorry na. Well, alam kong kahit magsorry kami di na naman namin maibabalik at mababawi pa yun. So ayun, sorry. :( Inabuso namin kabaitan mo.
2. Nagtitinda na pala ako ng mga ebook. Este mga printed chapters ng bruice. Hehe. At gloves at gas masks. At kung ano ano pa. Just inquire. :)