Hay. Bukas may gala ang Newton and I'm not coming. Unahin ko muna ang acads. Maeenjoy ko pa naman ang summer after ng removals. May celebration pa ng birthday ni Api at Vina sa Laguna plus ang lakad namin para sa birthday ni Sarah.
Oo, mahirap magdecide. Naku. gusto ko talagang sumama sa lakad kaso may test nga. Yang gala na yan, pwede pa naman yang bawiin next time, pero kapag binagsak ko ang removals, ibang usapan na iyon. Sana talaga maipasa ko at todo aral na ako for this. Whoo. Sana makeri ko.
Ewan ko ba. Sabi ko di ako sasama theba, tapos sila naman, biglang sabi, di ka kasi nag-aaral e. Hay. Sama naman. Ang hirap kaya. At sa kung ito lang kaya ng utak ko e. Hay buhay.
May isa este dalawa pa akong problema, kaso di ko maisulat dito sa kadahilanang baka may makabasa at magtampo magalit whatever. Ayun. 2 medyong malaking desisyon ang dapat kong gawin. Mahirap mamili. Oo, nahihirapan ako. Mee nee mee nee may NEMO sa dagat? Argh. Mahirap talaga. Paano ba yun. Kung sabagay, matagal ko pa naman dapat isipin yun pero theba, kailangan mapag-isipan na ngayon pa lang. So help me God.
Btw, kung magmamadre kami ni Istep, sino kaya ang unang kukunin? Hm. Ako siguro, mas MUKHA akong anghel e. Wehehe. Joke. Ewan. Maipluwensyahan pa namin ang simbahang katoliko ng YAOI. Mahirap na. Nyahaha.
O siya, mag-aaral na ang batang walang kamuangmuwang at feeling inosente. Babayooooow. :D