Hindi pa ako natuturukan. Sa Friday pa raaw. Alam niyo bang pagkauwi ko, nakatulog ako hanggang 1am! Wala akong nagawa. Kawawa naman ako. Nakakatamad pang gawin ang mga assignments ko. Gusto ko pang mag-aral ng electrochem kaso WALA, as in, WALA akong maintindihan. Napakapakshet na buhay talaga o.
Magsishift na pala si Kath at Steph. Gahd. Paano ako? Maiiwan ako kay BJ at Mao? Sila na lang ang mascians na matitira. Isa pa, 'di ko alam kung sino ang kasama ko next sem. Napahiwalay ako sa chicoooom. Naiinis ako ng kaunti kasi 'di ko sila makakasama next sem e sila na alang ang natitira kong ligaya sa block kung nagkataong nakashift nga yung dalawa. SUPER kaunti na namin kapag lahat ay napayagan magshift. At nag-iisip na rin ako kung sino ang mga possible lab partners ko.. Si Maray sana. Please please? Sana same sched kami.. Wala na kasing pag-asa sa chicomm, Gumbee, Herra etc. O kaya si Vivien or Nikko, pwede rin. Basta huwag lang si BJ. Bj, alam kong nagbabasa ka ng aking blog. So ayun, diretsahan, ayaw kitang maging lab partner..
Ansama ko naman kung ipagdasal ko na 'di sila makashift e gusto naman nila. So yun, sana matupad ang mga pangarap niyo at sana naman, sa 2nd sem kasama ko na ang chicomm. Yun pala ay KUNG papasa ako, hehe.
Haaaay. Di pa ako ready sa Wed at Thursday. Haaaay. Kailangan mag-aral pero ewan ko ba sa makitid kong utak kung bakit wala akong maintindihaaaan. So bobo na meeee.
Haay. :D:D
Sana pumasa ako ng CHEM18. PLEAAAAAASE.
O siya "aral" kuno na ako. :D