Pansin niyo bang walang kakwentakwenta na naman ang aking title? Haha. Pero oo nabubwisit ako sa nanay ko.
Inis na inis siya sa akin kasi 'di ko raw iniingatan iPod ko. Kanina, habang nanununod ako ng TV, bigla siyang bumaba sabay sigaw, "nasira ko iPod mo!" O shet, nainis ako. INIINGATAN KO YUN. Tapos siya pa yung nakasira? Tapos biglang sasabihin, "Eto pera, pagawa mo." Like duh, ako pa magpapagawa at haller, mahal pagawa ng iPod dito sa pinas. Leche talaga. Siyempre sa authorized service center ako magpapagawa kasi orig ang iPod ko. Nakakairita lang. ARGH.
Btw, buti naman wala ng sama ng loob sa akin si Kath. Akala niya kasi siya yung pinariringgan ko. Hindi ikaw KATH. HINDI talaga. Ano kaya pumasok sa kokote mo at naisip mong ikaw? Haha. Alam mo namang mahal kita.
Namimiss ko na rin pala si Lao. Ewan. Hehe. Missyu.
Sana talaga makapagremove ako. Gusto ko sanang kulitin si Mam kaso baka naman magalit si Mam. Tama na siguro yung mga pangungulit na ginagawa ko. Hehe.
Nainis ako kay *toot* kahapon. (Kath, hindi ikaw 'to). Nakakaasar siya. Ang yabang. Same issue na naman, ang ethnocentric niya. Akala niya kasi lahat ng tao na naman katulad niya. Hehe. Bahala na nga.
O siya. Babay na sa susunod na muli. :D