Bukol. Waa. Tumor. Kulani. Basta ilang lump sa balat ko ang tumutubo. Isa sa left eye, which is malaki, at 2 sa right eye na maliliit. Meron din ako sa kilikili. Weird. Dati sa tenga siya nakalagay, mukhang lumilipat ata.
Kanina, pauwi galing sa Rob, sa hagdanan ng LRT, paksiyeeet, nadapa ako, una tuhod. Nanghina ako pero iba talaga pag sinuswerte, kahit uber bagal ko maglakad, naabutan ko pa rin ang bagong LRT train. Yey. Badtrip lang nga talaga. Pag-uwi ko, chineck ko tuhod ko. May BUKOL siya. At masakit. Parang minamartilyo ang tuhod ko. Waa. Badtrip talaga. May red spots din. Feeling ko may naipit na dugo. Oh well.
Walang pasok bukas. Yey! Sana pala mapayagan si Kath na magovernight sa Friday. Wala lang. bonding moments at aral sa hinayupak na Chem na 'yan. Hehe.
Nga pala, dun sa sinabi ni Kath ukol sa Chem sa UPM at sa UPD, oo, mas mahirap talaga sa UPM. EWAN KO NGA BA KUNG BAKIT 'YUNG IBA DIYAN INIISIP NA NAGMAMAYABANG AKO AT INEEXAGGERATE KO PARA MAIPAGMAYABANG KO ANG KAGALINGAN NG UPM AT ANG COURSE KO. Amp eh. Wala lang. Nahihirapan na nga 'yong tao, iniisipan pa ng masama. Gahd.
Hay nako. Gusto ko ng Cluedo, Monopoly at Rubik's na orig. Dahil mahirap lang ako, hindi ganuon kadali bumili ng mga bagay bagay. Pag-iipunan ko na lang siguro, o magpapabili na lang siguro kay Tita. Gagamit na lang ako ng fallacy, ang suppressed evidence para hindi ko mastate ang cons ng mga "bored" games na 'yan. Ang bad ko talaga! :D:D:D:D
Sana naman maging productive ang araw ko mamaya(12.31 am na kasi sa watch ko). Hay. hirap talagang maging tamad-uh.
PS.
Happpppppy birthdat Daney/Dibina! :D