Tuesday, March 04, 2008

O siya. Nalulungkot lang talaga ako.

Alam kong tamad ako. MATAGAL na akong tamad. 'di ko alam na ito ang magdadala sa akin sa kapahamakan. Sa sobra kasing tamad ko, iniisip ko napapasa ako sa lahat ng mga asignatura. Na kaya ko kahit hindi mag-aral.

Iba ang kolehiyo. Ibang iba nuong tayo'y nasa sekondarya pa lamang. Ano ba ang naisip ko at sadyang pinilit ko naiisa sila? Iba na ang mundong aking ginagalawan. Antanga ko talaga.

Masyado akong nagmatigas. Pinilit ko ang aking sarili na gawin ang mga bagay na wala namang kinalaman sa aking pag-aaral. At sa tuwing nag-aaral ako, nangunguna sa akin ang "pride". Nakakainis talaga.

Noon, sina Steph at Kath ang gustong magshift. Kami ni Marc hindi magshishift. Aba, nagkabaligtad ang tadhana. Sila ang nasa itaas at kami'y unti unting sumusuko. ANg galing pa ni Kath super. SUPER taas ng score niya. Ayaw ko na. Ayaw ko na.

BehSci. Ito ang gusto kong lipatan. Ayaw ko ng Public Health. Ayun. Pero pipilitin ko ang Biochem. Kaya pa ata. Masyado lang akong naging pessimist. Pero kung sakali, yan talaga. Trip ko talaga ang course na yan. Maganda siya para sa akin.

Paano kaya kung ipinagpatuloy ko ang Anthro? Siguro CS na ako or US. Ok lang yan. Alam kong tinadhana sa akin ang Biochem. Kaya ko to. Ayaw ko sa UPd. Ayoko ruon. Kahit pilitin niyo ako. Ayaw ko.

Tama si Binibining Martin. Sabi niya (Martin, 2008), "Eh, ano ngayon, orig naman kami?". Hehe, mas mahal ko talaga ang UPM. May tendency nga kasi na magmayabang yung iba (iba lang) na mga taga-UPd. Ayan.

Frustrated Chef ako at Engineer, Lawyer na rin. Yan ang hidden desires ko. Hay. Sana nag Mechanical Engineer na lang ako. Wala lang. Hay. Ayaw ko kasi ng pure science. I prefer applied science. Chef kasi mahilig akong magluto. Lawyer.. Aba, mag kuneksyon yan kung bakit gusto ko ng BehSci. Ayan.

Pero ang ultimate goal ko ay maging doktor. Yun talaga. From the start. Alam kong kaya ko. Alam ko.

Hay nako. Alam kong babagsak ako sa 2 o baka 3 subject. Malaki ang tendency kung di ako magtitiyaga. Dapat magbago na ako. Kaso ang hirap. Amp amp. Ako ba ang mali o di lang para sa akin ang BioChem? Ano ba talaga? Hay. Amp amp. Uulit ako ng Math73 at Chem 14? No way. Lagot ako. Natatakot ako. Pero kakayanin ko ito. Target grade ko ay 3. Kaya ko to.

Pero babagsak talaga ako. Ang gulo ko no? Naiiyak na tuloy ako. Nachochorba (chorba is a variable) ako sa blockmates ko na super tataas na ng grades ay nagrereklamo pa. Sana ganun din ako. Hay. Nakakahiya ako. Wala talaga akong kwenta. Wala. Shet. Ang shet ko.

Will I pursue this course or not?


left at 12:35 AM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.