Saturday, December 29, 2007

Ngayon na lang ulit ako nakagawa ng entry. Like duh. Hay.

Ayos naman ang bakasyon. Masaya ang Christmas. Masaya naman ang buhay. Medyo marami pa akong mga schoolwork na 'di ginagawa. Tulad ng lab report, genogram, dream journal, prelim. biblio. Hay. Dami 'no? Bobs kasi.

Hay buhay. Wala pa akong makopyahan(daya talaga haha) ng lab report. Eh 'yong kina Steph kulang din. Bakit ba kasi 'di pumunta si Macmac nung 28. Wala tuloy magaling sa Chem(haha iba na ang matalino..). Pero okay naman. At least may nakopya ako.

Napagalaman kong super mahal ni Beshi. 2 weeks akong magiipon para lang sa kanya. Walang kain. Walang LRT. Pero may LRT card ako kaya pwede LRT. Pero sigurado na 'yong walang kain. Sa bahay na ako kakain. Waa. Ganito ako kaadik. Gusto ko talaga nun. Sana may magregalo sa akin para 'di na ako magpakahirap pa. (umaasa...)

Beshi is sooo cute. Gusto ko talaga syang kidnapin. Haha. At pagsayawin ng Careless Whisper hanggang sumakit ang vocal cords ko sa kakakanta at sumakit ang kamay ko, at mangawit ang braso ko. Pero siguro 'di ako magsasawa. Whee.

Ano pa nga ba? Mahal pala sa Fun Carnival Global. Wala na akong balak pumunta dun. Haha. Nakita ko pala si Sally at si Jevy sa MOA kahapon. Haha. Wala lang. At kumain kami sa isang Korean Resto. Dahil galing sa bundok, first time kong kumain ng kimchi. Ok naman sya. Haha. (Hirap talaga 'pag galing bundo. Inosente.) Ok ang food. Haha.

Hay.

(Natapos ang isang araw. Dalawa na pala! 31 na eh.)

Eto ako, gumagwa ng labreport na ubod ng hirap. Ewan ko ba kung bakit nadadalian ang matatalino kong kaklase. Pag tinanong mo sila, "Musta na gawa nyo?" Ang sagot nila.. "Patapos na." O kaya'y "Inaayos na lang." Kami namang 'di masyado magaling, hirap na hirap na, tagal pa gumawa. Eh sila nga tama na nga data, alam pa nila agad lahat ng gagawin.

Sana kasing talino ko sila.

Piste talaga 'yong genogram. 'Di kasya 'yong gawa ko sa 1/8 illustration board. Like duh. Kailangan mas malaki pa. "di ko pa nga nagagawa eh. Sobrang nakakadiri na talaga ako. To the higest level na. Eww.

Bakit kaya ganuon? Hay..

31 na nga 'di ba? Iiwan ko na 'tong post na 'to tapos gagawa na ako ng YEARENDER special. Wala lang. Yung mga mahalagang nangyari this year. Ieenumerate ko na lang siguro. Ayoko nung top ten ganuon. Lahat kasi ng nangyari special. Walang mas special at'di gaanong special na category. pantay panaty sila at inerdependent. Kung 'di nangyari 'yong isa, 'di magkakaroon ng chain reaction. Haha. Haynaku.

O sya. Bago matapos ang blog entry na 'to, babatiin ko kayo ng happy New Year. Sana baguhin nyo ang mga pangit na ugali at panatilihin ang mga magaganda at kahalihalinang mga ugali. Salamat sa lahat ng nagmahal sa akin, sa lahat ng minamahal ko, sa lahat ng minahal ko, sa lahat ng mahal na presyo ngayon(katlad ng pamasahe), naging parte kayo ng buhay ko ngayong 2007. Manggulo ulit kayo next year ah?

Labyu all.

(Gagawa pa ako ng PISTENG labreport.)


left at 2:37 PM

//THE PIDDLING PROFILE

steph-e
July 19, 1992
^__^
UPM
MSHS
ABES
+Newton Neurotics+
+Burbank Bumblebees+
+Thales Tail less??+
+Padolina Pops!+
+Block 11+
+BS Biochemistry+

Freshie Ngayon

note: the word 'piddling' here means insignificant.


//THE WISHY-WASHY WISHLIST

wishes:

*to have fair skin
*to have 100 more wishes! ^__^
*that everything I love will last forever
*to have MORE gadgets
*to be a forensic patholigist/cardiologist
*to be a chemist at makagawa ng shabu the natural way
*makapasa sa scholarship ng Merck & Co. Inc.
*to be a mathematician

note: the word 'wishy-washy' here means weak, thin, feeble- another fancy word for weak.


//THE LATEST LINKS

{/Kalen}
{/Pwetut}
{/Katz}
{/JanPol}
{/Maki}
{/Yani}
{/My DevArt... ^__^}
{/Gidget! Haha...^__^}
{/ronaldallanPAPAhabon}
{/Daddy}

note: everybody knows the word 'latest.'


//THE TEDIOUS TAGBOARD



//-->

note: 'tedious' means boring.


//THE ACHING ARCHIVES

August 2006 September 2006 October 2006 November 2006 December 2006 January 2007 February 2007 April 2007 May 2007 June 2007 July 2007 August 2007 September 2007 October 2007 November 2007 December 2007 January 2008 February 2008 March 2008 April 2008 May 2008 June 2008 July 2008 August 2008 September 2008 October 2008 November 2008 December 2008 January 2009 February 2009 March 2009 April 2009 July 2009 August 2009 September 2009 October 2009 November 2009 December 2009

note: 'aching' here means I don't want to remember the past
//THE CLOUDY CREDITS


Thank you.