Malungkot ako ngayon.
Mabababang grades. Katangahan sa pagpasa ng ID. Ayon. Lapit na matapos ang sembreak. Nakakainis. Sobra.
Ampangit ng grades ko. Oo, di umiikot ang buhay sa academics, pero, di ba, mas maganda pa rin na matataas ang grades mo? BOBO nga lang siguro kasi ako. Yun yun. Di ba?
Yung pesteng ID ko sa Nov. 5 pa makukuha. Peste. Pero ganun talaga. Sana talaga di nila ireport. Kundi lagot ako. Amp nga kasi eh.
Haha, sama ko ke PH no? Di kasi nya kami tinulungan. Kukunin nya lang yung pesteng classcard ko sa socsci. Haha. Buti pa si Rene. Sambahin! Salamat pepe. Haha.
Di nga ako bumagsak sa Socsci, mababa naman yung grade.
Eto pa pala, di ko alam kung gagawin ko pa ung regalo ko ke Lori. Kung di ko matatapos, sa Pasko ko na ibibigay. Haha. Ganun talaga. Mahirap gawin. La pa ako sa mood. Malay nyo pag may pasok na, masaya na ako. ^__^.
Sana nga..
Kahapon nakakainis. Text pa ako ng text, TAPOS NA PALA UNLI KO. So nasayang ang *toot* php ko. Ayaw kong sabihin. Pero sayang talaga.
Ayan. Sana ok na ako. :)